Chapter Thirty One: Good Heart

45.8K 1.2K 67
                                    

Chapter Thirty One: Good Heart


MARK

"Gigi, didn't I tell you to not interupt me?"

Hindi man lang ako nag-abalang mag-angat ng mukha nang marinig kong bumukas ang pinto. Dahil ordinaryong araw, wala akong masyadong pasyente at gusto kong samantalahin iyon upang pag-aralan ang nasa harapan mga papeles na ilang araw nang nagpapasakit ng ulo ko.

"P'wede ba akong humingi ng oras mo kahit mga five minutes lang?"

Marahas akong nag-angat ng tingin at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Muriel. Napatayo ako sa kinauupuan.

"I-I'm sorry. Akala ko staff ko. Take a seat!" Iginiya ko siya sa kalapit na couch.

"Sorry rin kung naistorbo kita."

"Wala iyon." Basta ikaw! "Ahm.. can I offer you anything?"

"No, thank you. Hindi rin naman ako magtatagal." Her smile never leaves her lips. "I just came to drop by. Actually, kasama ko si Rhamiel at iniwanan ko muna siya sandali sa kanyang pedia."

"Is he okay?"

"He's fine. Just a quarterly check-up."

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig.

"So, how are you Dr. Mark Mendoza?"

"I'm great!" I matched her smile, sabay hawi sa buhok na bahagyang nawala sa pagkaka-gel. Seeing her again brightens up my day. Sa isang iglap ay nawala ang pagod ko sa maghapong trabaho.

"Liar!" Bago pa ako makahuma ay mabilis na tinusok ng daliri ni Muriel ang ilalim ng kanang mata ko. "You don't look great. Ang laki kaya ng eyebags mo. Natutulog ka pa ba?"

"Marami lang akong inaasikaso."

"At sa dami ng inaasikaso mo, hindi mo na nabibigyan ng oras ang iyong sarili. Paano ka magkaka-lovelife n'yan?" Magproprotesta sana ako ngunit naunahan ako ni Muriel. "Riley told me everything about you. Kaya wala kang maitatago sa akin, Dr. Mendoza."

Lihim akong napangiwi. Seems like my boring life is an open book to everyone. At dahil iyon sa mga madadaldal kong mga kaibigan.

"Wala ka naman sigurong balak magpakatandang binata?"

"I didn't see myself like that in the future." I chuckled.

"Good! Dahil isa ako sa maglulungkot kung mangyayari iyon." I saw the sincerity in her face that makes me feel light. "Hindi man maganda ang una kong impresyon sa'yo..."

Napangisi ako nang maalala ang una namin pagkikita ni Muriel. Kung paano ko nadumihan ng kinakain niyang ice cream ang kanyang suot na puting t-shirt, gayundin ang masungit niyang reaksyon at pagiging snob sa tuwing kami ay magkikita.

"Pero unti-unti kong nakita ang tunay mong pagkatao bilang mabuting kaibigan, hindi lang kay Riley kundi pati na rin sa tatlo mo pang sira-ulong mga kaibigan. You're a good and thoughtful person, Mark. And you're capable of real love."

I replied with a smile, at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Hindi ko inaasahan na marinig iyon mula sa kanya.

"Are you blushing?" Amused na ngumiti si Muriel at nanunukso na pinisil ang mga pisngi ko. I couldn't understand why she have the same effect on me. Na para akong teenager na natotorpe sa tuwing nakikita ang aking crush. She's one of a kind. The only woman who captured my heart a long time ago. Napakasuwerte ni Riley sa pagkakaroon ng asawa na tulad niya. At kahit papaano ay masuwerte na rin ako, hindi lang ako napalapit sa kanya kundi itinuring niya rin ako bilang kaibigan.

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now