Chapter Twenty Two: Dating Game

47.3K 1.1K 17
                                    

Chapter Twenty Two: Dating Game


JIANNE

Kahit napuyat nang nagdaang gabi, pinilit ko pa rin magising ng maaga. Siguradong sermon na naman ang aabutin ko kina Mama at Papa kung hindi ko magagawang sumabay sa kanila para mag-agahan.

"Good morning!" Walang buhay kong bati na pumuwesto sa paborito kong upuan. Kumpleto silang lahat, minus Yuan. Malamang ay naghihilik pa sa mga oras na ito ang lalaking iyon. Mabuti pa siya. Kungsabagay, sa layo ba naman ng nilakbay namin kahapon, di hamak na mas napagod siya kaysa sa akin. Siya kasi ang nag-drive pauwi kagabi habang ako naman ay nakatulog ako sa backseat dahil sa kalasingan.

Nakakapagtaka ang katahimikan sa paligid. Wala ang maingay at madaldal na bibig ni Ate Lara. Gayundin ang sweet na pag-aasaran nila Mama at Papa. Basta tahimik lang silang kumakain ng agahan at walang kibo.

Patapos na akong kumain nang magsalita si Ate Lara.

"Ma, sabihin mo na kay Jianne."

"Sabihin ang alin?" Nagtataka na nag-angat ako ng tingin sa kanila.

"We have plans for you." Si Ate Lara ang sumagot.

"Plans?" Tumingin ako kay Papa ngunit nag-iwas lamang siya ng tingin. But I saw amusement in his eyes. Kinabahan tuloy akong bigla. "What plans?"

"Your sister suggested to matchmake you to her friend's brother?" Si Mama.

"And also to the sons of Mama's amigas."

Napatanga ako sa narinig at binitiwan ang natitirang piraso ng hotdog sa tinidor.

"For real?" Sabay-sabay silang tumangong lahat. Kaya pala ang tahimik nila kanina, iyon pala ay may bomba silang pasasabungin sa harapan ko. To think na hinintay pa nila na matapos akong kumain.

"No! Ayoko! Ayoko na ng matchmaking na iyan!" Nagpapadyak ako sa inis. Minsan ko na silang pinagbigyan at hindi na mauulit iyon.

"Jianne, this is for your own good," si Ate Lara. "Kung hindi namin gagawin ito walang magkakagusto sa'yong lalaki. Hindi ka magkakaroon ng boyfriend."

"So what? Malaking kasalanan ba sa lipunan kung wala akong boyfriend?"

"Hija, nag-aalala lang kami ng ate mo para sa'yo. You're already twenty four and still no boyfriend since birth."

"And never been kissed and never been touched." Segunda ni Ate Lara.

I rolled my eyes. Kung alam n'yo lang!

"Pa, please help me. Nababaliw na naman sina Mama at Ate Lara. Ako na naman ang center of tripping nila."

"Bunso, I'm sorry. I can't stop them. Besides nangako ako sa Mama mo-"

"I want to die!" Kulang na lang ay maglupasay ako sa sahig sa sobrang pagkadismaya. Three against one. Dehado na nga, luging-lugi pa ako.

"Okay, let's make a deal." Si Papa ulit. Ngunit hindi dahilan iyon para tumigil ako sa pagsisintir. Pinagbalingan ko tuloy ang natitirang tipak ng karne sa aking plato at isinubo iyon lahat sa bibig. Hindi ko alintana kung mabulunan man ako.

"Kapag may nagustuhan ka sa mga lalaking irereto sa'yo..." Saglit na huminto si Papa na tila sinu-suspense pa ako. "I'll buy you a new car."

Ilang segundo ang lumipas bago nag-sink-in sa isip ko ang mga narinig. New car? Dream come true? Why not coconut?

"Deal?"

"Papa, it's unfair!"

"Ate Lara. huwag ka ng kumontra, p'wede?"

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now