Chapter Thirty Five: Can't Lose Her

49.9K 1.3K 143
                                    

Chapter Thirty Five: Can't Lose Her


MARK

Lihim akong napamura nang tumambad sa harapan ko ang malaki at malapad the pader. It's a dead end. Nagkamali ako kalsadang dinaanan. Mabilis na iniatras ko ang kotse at lumiko sa kabilang bahagi ng kalsada. Matagal na panahon na rin nang huli akong magawi sa lugar na iyon. Marami na ang nagbago at hindi na ako pamilyar sa mga pasiku-sikot ng daan.

Inabot ko ang cellphone sa dashboard nang maalala sina Vince at Tyron. Silang dalawa ang magkasama ngayon ayon na rin sa desisyon ko. Mas mapapabilis ang paghahabol namin kay Kristofe kung maghihiwalay kami ng daang tatahakin.

"Nasaan na ka'yo?"

"Maki boy, naliligaw na yata kami! Lagi na lang mga dead end ang napupuntahan namin ni Vince. Ikaw, nasaan ka?"

"I don't know either. Naliligaw na rin yata ako."

"Anak ng!"

"What? Anong nangyari?" Sa kabilang linya ay magkakasunud-sunod ang pagmumura ni Tyron.

"Tang'na, dead end na naman! Sabi ko sa'yo doon tayo dumaan sa kabilang kanto. Pasaway ka talaga."

"Ikaw ang nagsabi na rito tayo dumaan. Ikaw ang pasaway!" Boses iyon ni Vince.

"Ako na nga ang magda-drive!"

"Ako na! Baka nakakalimutan mo na kotse ko ito at wala akong tiwala sa'yo."

Pinindot ko ang end call button. Ayokong mag-aksaya ng oras sa pagtatalo nilang dalawa. Kailangan ko nang mahanap si Jianne sa lalong madaling panahon. At magagawa ko lamang iyon kung masusundan ko si Kristofe. Malakas ang hinala ko na mayroon talaga siyang kinalaman sa pagkawala ni Jianne.

Mabilis na tinapakan ko ang preno at huminto ang kotse sa gitna ng kalsada. Now what? Lumingon ako sa kaliwa at pagkatapos ay sa kanan. Kailangan kong mamili ng kalsadang tatahakin. I need to choose wisely. Subalit nang maisip ko na wala na akong sapat na oras, pikit-mata na pinili ko ang kaliwang kalsada. Bahala na. Subalit bigla akong nabuhayan ng loob nang matanaw ang paparating na sasakyan. Magkakasunod ang ginawa kong pagbusina bago tumigil sa tapat mismo ng nasabing kotse.

"Bossing, magtatanong lang ako kung tama ba itong dinaraan ko palabas sa highway?"

Mabilis na tumango ang lalaking driver. "Diretsuhin mo lang ang kalsadang ito."

"Salamat!" Aapakan ko na sana ang accelarator ng may bigla akong maalala. "Mayroon ka bang nakasalubong na itim na kotse palabas ng village?"

"Itim na Lexus?"

Magkakasunod ang ginawa kong pagtango kasabay ng panlalaki ng mga mata. "Iyon nga!"

"Nakita kong nakahinto iyon sa gilid ng kalsada. Mukhang nasiraan yata. Baka sakaling madaanan mo pa sila."

Sila? Ibig sabihin kasama nga ni Kristofe si Jianne!

Pinaharurot ko ang kotse at halos paliparin iyon sa kalsada, as if my life depends on it. Kulang na lang ay lumundag ang puso ko palabas ng aking dibdib sa pinaghalong kaba at takot. Kaba dahil hindi ako sigurado kung maaabutan ko pa sila at takot para kapakanan ni Jianne. Ganon na lamang ang panalangin ko na sana ay hindi siya gawan ng masama ni Kristofe.

Wala sana akong balak sagutin ang tumutunog na cellphone ngunit pangalawang tawag na iyon ni Tyron.

"Mark, may sumusunod sa amin!" Bungad ng kaibigan sa kabilang linya.

"Huh?"

"Sinusundan kami ng isang itim na van. Mga tauhan yata iyon ni Cass dahil nakita ko si Bakulaw. Ano ang gagawin namin ni Vince?"

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now