Chapter Four: Men's Nature

99.9K 2.2K 134
                                    

Chapter Four: Men's Nature


MARK

"Kung sino ang mabubunot na pangalan, siya ang manlilibre ng lunch."

"KKB na lang."

"Umiral na naman ang kakuriputan mo, Tyron."

"Praktikal lang akong tao."

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli kaming nagkasama-samang lima. Isang business seminar ang dinaluhan namin magkakaibigan sa isang sikat na hotel. At dahil mga na-bored sa habaan ng program, sa pangunguna ni Jared ay isa-isa kaming nagpulasan at nagdesisyon na kumain na lamang.

Ang lakas ng tawa ni Jared nang mabunot ang pangalan ni Tyron. "May balat ka talaga sa puwet." Ipinakita pa nito sa kaibigan ang hawak na ebidensya. Napakamot na lamang ng ulo ang binata.

"Mga busog naman kayo, hindi ba? Magsnack na lang tayo."

"Sky is the limit daw sabi ni Tyron," wika ni Vince na pinamigay ang mga menu book sa bawat isa.

"Ano ba ang pinakamahal nilang pagkain dito?" Pang-aasar naman ni Riley.

Napailing na lamang ako nang makitang pasimpleng tinago ni Jared ang mga papel na ginamit sa palabunutan. Sabi ko na ba, nandaya na naman siya.

"Can I take your order, sir?"

Biglang natahimik ang mga kaibigan. Nang mag-angat ako ng mukha isang magandang waitress ang nangiting nakatunghay sa amin.

"Steak for me," Jared said, giving her a devastating smile.

"Me, too." Magkasabay na wika naman nila Riley at Vince.

"Water please." Lahat ay napalingon kay Tyron. "What? Sa hindi pa ako nagugutom." Pinukol siya ng table napkin ng tatlo.

"Five steaks and a bottle of red wine." Ako na mismo ang umorder para sa mga kaibigan.

"Is that all, sir?"

"Yes." I couldn't help but smile. Nakakahawa ang magandang aura ng babae. Nakasunod ang tingin ng lahat habang papalayo siya.

"She's a babe."

"I like her smile."

"Nice legs."

"Agree."

"Kung makapagsalita kayo ay parang wala kayong mga asawa," sita ko sa mga kaibigan.

"Hindi masamang humanga," katwiran ni Vince. Agad naman sumang-ayon ang lahat.

"Ako binata pa. Wala akong sabit."

"Si Cyrhel paparating!" Sabay turo ni Jared sa likuran ng binata. Halos mabali ang leeg ni Tyron sa paglingon.

Muling naagaw ang atensyon namin sa ingay na nilikha sa kabilang table. Nabitiwan ng isang babaeng customer ang kanyang clutch bag at nahulog iyon sa sahig. At dahil malalim ang neckline ng suot niyang blouse, halos masilip ang kanyang malusog na dibdib nang yumuko siya. Halos hindi kami kumukurap habang nakamasid. Aminado ako na isa iyon sa mga nature ng lalaki na mahirap minsan iwasan.

"Mark, napuwing yata ako," daing ni Tyron habang patuloy na kinukuskos ng kamay ang kaliwang mata. Paglabas namin ng hotel ay sinalubong kami ng malakas na hangin. Makulimlim kasi ang panahon at tila nagbabadyang umulan.

"Kinakarma ka na agad!" React ni Riley. Nakitawa naman sina Jared at Vince.

"Kung magsalita kayo ay parang ako lang ang nanilip kanina."

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now