Chapter Sixteen: Unintentional

47.8K 1.2K 29
                                    

Chapter Sixteen: Unintentional


MARK

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko bago nagdesisyon na bumaba ng kotse. Sa tingin ko ito na ang tamang panahon upang kausapin siya, kahit hindi ako sigurado kung haharapin niya ako.

"Boss Mark!" Salubong sa akin ni Bogard nang makita ako. "May ipapagawa ba kayo sa inyong sasakyan?"

Umiling ako kasabay ng paggala ng mga mata sa paligid. Subalit wala roon ang aking hinahanap. Where is she?

"Wala rito si Jianne!" Biglang sumulpot si Trisha mula sa kinukumpuning sasakyan. Hindi ko inaasahan na makita siya sa talyer. Katulad ng dati, may mga bahid ng grasa sa kanyang katawan. "Tatlong araw na siyang hindi pumapasok."

"Kaya si Bossing muna ang in-charge ngayon dito," sabat ni Bogard.

Kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay, may kabang bumangon sa aking dibdib.

"Mark, saan ka pupunta?

"Sa bahay ng mga Branzuela."

"Wala rin si Jianne doon." Napahinto ako sa paghakbang at lumingon kay Trisha.

"Alam mo ba kung nasaan siya?"

Ilang sandaling hindi kumibo si Trisha habang mataman akong pinagmamasdan bago muling binalikan ang ginagawa.

"Sumama siya sa parents niya sa Paris." aniya sa malamig na tinig.

"Paris? Anong gagawin doon ni Jianne?" I know how she really hates to travel abroad.

"Kahit ako ay nagulat nang malaman kong umalis siya. Ang totoo kahapon ko lang din nalaman. Si Ate Lara ang nagsabi sa akin."

She run away again. Katulad nang ginawa niya noong nakaraang linggo sa outreach program. Bigla na lamang umalis si Jianne nang walang pasabi. And since then, hindi ko na muling nakausap ang dalaga. Kung ilang beses kong sinubukang tawagan siya ngunit palaging out of coverage ang kanyang cellphone.

Ilang araw muna ang pinalipas ko bago ako nagdesisyon na harapin siya ng personal. Dahil ang buong akala ko ay iyon ang kailangan ni Jianne. Umasa ako na lilipas din ang sama ng loob niya sa akin at sa bandang huli ay muli kaming magkakaayos. Subalit hindi nangyari ang iniisip ko.

"I know there's something going on between the two of you." Trisha snapped his head up and looked at me with cold stare. "Hindi man magsabi sa akin si Jianne, parang nahuhulaan ko na kung ano iyon."

"I-It's not my intention to hurt her." Halos hindi iyon lumabas sa bibig ko.

"But you already did."

"Hindi ko sinasadya."

She raised her eyebrow. "Mark, aware ka ba kung ilang babae na ang sinaktan mo ng hindi mo sinasadya?"

"Trish..."

"At alam mo ba na isa ako sa mga iyon?"

I inhaled sharply with shock.

"Sabi ko na nga ba! Hindi mo rin alam katulad nang pambabalewala mo sa nararamdaman ni Jianne. Bakit ba naka-dense mo, Dr. Mark Mendoza?"

"I'm sorry..." Anong maaari kong sabihin kundi iyon? At iyon din ang gusto kong sabihin ng personal kay Jianne. Alam ko na labis kong nasaktan ang kanyang damdamin. Hindi ko man sinasadya, pero pinagsisihan ko na wala akong sinabi at ginawa pagkatapos ng mga inamin niya.

"Kayo na ba?" Suddenly Trisha asked.

Kunot-noong nag-angat ako ng tingin.

"You know, that woman."

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now