Chapter Three: Mood Swing

99.2K 2.3K 93
                                    


Chapter Three: Mood Swing


MARK

Nahahapo na binagsak ko ang katawan sa swiver chair. It's already past eight in the morning. Magmula kagabi ay wala pa akong tulog dahil sa mga dumagsang pasyente na biktima ng paputok. Wala pang dalawang minuto na naipipikit ko ang mga mata nang bigla kong maalala si Jianne. Kinuha ko ang cellphone at muli siyang tinawagan. Subalit bigo ulit ako makausap siya magmula pa kagabi.

Nang makita ko ang humaharurot niyang motorsiklo, ang unang pumasok sa isipan ko ay sundan siya. Actually, I already did. Ngunit mas nananaig ang tawag ng aking tungkulin dahil mas maraming nangangailangan ng tulong ko sa ospital. Gayunpaman, hindi pa rin ako mapalagay at patuloy na nag-aalala para sa dalaga.

Tsk! Hanggang kailan ba siya magiging sakit ng aking ulo?

Sinubukan kong tumawag sa bahay nila ni Jianne. Eksakto naman na si Manang ang nakasagot ng telepono, siya ang matandang katiwala ng mga Branzuela. Subalit ayon sa kanya, hindi raw roon umuwi ang dalaga.

"Iho, subukan mo sa talyer. Siguradong doon na naman siya naglagi."

Iyon din ang naisip ko noong una. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad kong dinampot ang susi ng kotse.


JIANNE

Naalimpungatan ako sa magkakasunod na ingay sa labas. Hindi ako sigurado noong una, ngunit habang tumatagal ay tila mayroong kumakalampag sa yerong roll-up ng talyer. Sa nanlalabong paningin ay sinulyapan ko ang digital clock na nakasabit sa dingding. Halos tatlong oras pa lang ako nakakatulog.

Napilitan akong bumangon at lumabas ng opisina. Kung sinuman ang istorbong ito, malalagot talaga siya sa akin. Halos hindi ko maidilat ang mga mata na itinaas ang roll-up ng talyer. "Wala ka naman patawad, hindi mo ba nakita na sarado kami?"

"Balak ko na sanang gibain itong roll-up kung hindi ka pa magigising!"

"Mark!" Hindi lang ako nagulat sa pagsulpot niya, kundi gulat na gulat. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla nang magtuluy-tuloy siyang pumasok sa loob ng talyer hanggang sa opisina kung saan ako natutulog. Natataranta na napasunod ako kanya.

"Saan ka nanggaling kagabi? Bakit hindi ka umuwi sa inyo? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"

Itinaas ko ang dalawang kamay. "Isa-isa lang ang tanong. Mahina ang kalaban." Napaatras ako nang humakbang palapit sa akin si Mark. He leaned his face close to mine. Agad na tinakpan ko ng kamay ang bibig. "Mark, ano ba? Hindi pa ako nagmumumog."

"Uminom ka kagabi. Amoy alak pa ang bibig mo," aniya sa seryosong tinig. Napakurap ako. Mga sampung beses siguro bago ko ma-realized ang ibig niyang sabihin. Buong akala ko ay hahalikan ako ng binata. Nananaginip pa yata ako.

"Magsasalita ka ba o magtititigan lang tayo buong araw?" He poked me in the forehead. Hindi ko maintindihan kung bakit pagdating sa amin ni Trisha ay mabigat ang kanyang kamay.

"Sa dami ng tanong mo wala akong maalala kahit isa." Muling umangat ang kamay ni Mark ngunit agad akong nakaiwas. "Fine. Aaminin na ako." Teka, paano ko ba sisimulan?

Naagaw ang atensyon namin ni Mark nang tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Hindi ko naman malaman kung saan ko iyon hahanapin.

"Sa ilalim ng couch," turo ng binata. Agad akong yumuko at doon ko nga nakita ang hinahanap.

"Napagtawag ka, Bogard?" Sinundan ko ng tingin si Mark na pabagsak na umupo sa mahabang couch at ini-relax ang ulo sa sandalan. Mukhang may balak pa siyang magtagal.

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now