Chapter Twenty One: Be Still

46.4K 1.1K 22
                                    

Chapter Twenty One: Be Still


JIANNE

"Flowers for delivery!"

Sabay kaming lumingon ni Sonnie sa bagong dating na delivery boy na mayroon bitbit na bugkos ng mga puting rosas.

"Para sa akin?" Tanong ni Sonnie.

"Kayo po ba si Ms. Jianne Branzuela?"

"Hindi, siya!" Sabay turo sa akin ng kaibigan.

Nangingiti na kinuha ko ang delivery slip at pinirmahan iyon at saka tinanggap ang mga bulaklak bago pumasok sa loob ng opisina ko. Siguradong magpipiyesta na naman ang mga bibig ng mga tauhan sa nasaksihan kani-kanina lang.

"Kanino galing?" Pag-uusisa ni Sonnie na patuloy sa pagsunod sa akin.

Hindi ako sumagot at pasimpleng itinago ang nakaipit na card sa mga bulaklak. May hint na ako kung sino ang sender pero siguro mamaya ko na lang aalamin kapag umalis ang kaibigan.

"Tell me, kay Mark galing 'yung mga bulaklak no?"

Asa pa ako! "Wala siyang dahilan para magpadala ng mga bulaklak sa akin."

"Malay mo naman, baka nakikipagbati sa'yo."

Hindi ako kumibo at nagkunwari na walang narinig.

"Hindi ka na affected kay Mark?" Pangungulit ni Sonnie. "You mean, you're finally moved on?"

"Iyon naman ang dapat, hindi ba?"

"Oh well, mas mainam iyon kaysa naman patagalin mo pa. Anyway, katulad nga ng sinabi ko kanina, baka dumiretso ako ng Dipolog pagkatapos kong manggaling ng Singapore." Lihim akong nagpasalamat sa pagbabago ng aming topic.

"Akala ko ba ayaw mong pumunta roon?"

"Nagdadalawang-isip pa rin ako hanggang ngayon. Tsk! Kung hindi lang dahil sa twin sister ko, hinding-hindi talaga ako tatapak sa lugar na iyon!"

"Your biological sister?"

"May kakambal ba na hindi biological? Kaya nga twin sister. And we're identical from head to toe."

"Where is she?"

"Gusto ko sanang isama si Cassandra sa Dipolog," sa halip ay sagot ni Sonnie. "Kaya lang may bagong assignment ang bruha."

Kumunot ang noo ko at nakalimutan ang pag-uusisa tungkol sa kanyang kakambal. "Assignment? Hindi ba matagal ng wala sa serbisyo bilang pulis si Cass? So, paano siya magkaka-assignment?"

"Ewan ko 'dun. Basta ang sabi niya sa akin, ang nanay pala niya ang nagsabi na maa-assign siya bilang bodyguard ng isang mayaman at guwapong businessman."

"Ang astig ni Cassandra!"

Bumingisngis si Sonnie. "Kakainggit!"

"Kumuha ka rin ng bodyguard kung naiinggit ka! Mayaman ka naman, eh!"

"Tange! Naiinggit ako kasi gusto ko rin maging bodyguard."

"Sira ka talaga! Oo nga pala, bakit hindi na lang si Gabby ang isama mo sa Dipolog?"

"Pasaway ang babaing iyon. Baka doon pa maghasik ng lagim."

"Kunsabagay, baka biglang mahati sa dalawa ang katawan niya at doon maghanap ng bagong mabibiktima."

"Ji, alam mo na ba kung sino ang latest na ini-stalk ngayon ni Gabby?"

Biglang namilog ang mga mata ko. "Sino? Sabihin mo sa akin, dali!" Lumapit sa akin si Sonnie at ibinulong sa tenga ko ang kanyang mga nakuhang impormasyon.

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now