Chapter Thirty Four: True Color

45.7K 1.2K 89
                                    


Chapter Thirty Four: True Color


JIANNE

Nang muli akong magkamalay ay natagpuan ko ang sarili na nag-iisa sa loob ng sasakyan. Where is he? Kanina lamang ay nasa driver seat siya at nagmamaneho. Doon ko lamang din napansin na nakahinto ang kotse sa gilid ng kalsada. Bagaman nakabuhay ang makina, nakakapagtaka na wala ang car key sa ignition.

Suddenly, I heard someone's voice outside. Paglingon ko sa likuran ay nakita ko si Kristofe na mayroon kausap sa cellphone. Palakad-lakad at hindi mapakali. Seems like something's wrong.

"Hindi ako katulad ng iniisip mo. I won't never harm her. Kailangan ko lang talaga siyang ilayo para masiguro ko ang-" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita niyang binuksan ko ang pinto ng kotse.

"Jianne!" Sa isang iglap ay nakalapit si Kristofe sa akin at maagap akong pinigilan na bumaba ng sasakyan. "Stay in the car. Madilim at maraming lamok dito sa labas. Mas makabubuti na dumito ka na lang."

Hindi na ako nagpumilit. Bukod sa nakaramdam ako ng pagkahilo, bahagyang kumirot ang sugat ko sa tagiliran.

"Nasaan na tayo?" Wala sa loob na nilibot ko ang mga mata sa paligid. Wala akong ibang nakita kundi puro talahib at matataas na puno sa magkabilang panig ng kalsada.

"Palabas pa lang tayo ng subdivision," aniya na umupo nang pa-swat sa harapan ko at tumunghay sa akin. "Actually, malapit na sa highway. Kinailangan ko munang itabi ang kotse dahil hindi gumagana ang isang headlight."

"Gusto mong i-check ko?"

Mabilis siyang umiling kasabay ng pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi.

"How's your feeling?" Suddenly, he asked. Umangat ang kamay niya at masuyo akong hinaplos sa pisngi bago pa ako makaiwas.

"I-I'm fine," I lied and I don't know why. He tilts his head and stared at me for a few second.

"Good!" Tumayo si Kristofe at mabilis na umikot sa kabilang side ng kotse at saka sumakay sa driver seat.

"Sino iyon kausap mo kanina sa cellphone?" Naisip kong itanong na tila ikinagulat niya. "May problema ba?"

"Y-you heard me?"

"Not really. I just heard your voice as if you were arguing with someone."

Ilang sandaling nawalan ng kibo si Kristofe bago muling nagsalita.

"It was my mom..."

Napasinghap ako sa narinig at kasabay ng pagkagulat ay isa-isang bumalik sa isip ko ang mga pangyayari.

"Alam ba niya na kasama mo ako? Sinabi mo ba sa kanya kung nasaan tayo? Hinahanap ba niya ako?" Sunud-sunod kong tanong sa nanginginig na boses. I was so scared that I wanted to run away.

"K-Kristofe, take me out of here. Gusto ko nang umuwi, please!"

"I assure you, walang mangyayaring masama sa'yo. You're safe with me." Hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng pagpapanic ko ay nanatili siyang kalmado.

"No!" Sunud-sunod ang ginawa kong pag-iling. "I'm not safe yet. I'm not safe with her. You're mother is sick and you know that. At sigurado ako na alam mo rin ang ginawa niya sa akin!"

"Jianne, calm down."

"She will lock me again, silang dalawa ni Tito Mario. For sure, siya rin ang nagkulong sa akin sa bodega. They are both crazy. Hindi sila titigil hangga't hindi nila nakukuha ang kanilang gusto!"

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now