Chapter Twenty Five: Tension

53.1K 1.2K 36
                                    

Chapter Twenty Five: Tension


JIANNE

"Jiji, sorry na! Please, patawarin mo na ako!"

Tila wala akong naririnig at nagpatuloy sa pagkukumpuni ng makina. Kahit tatlong araw na ang nakakaraan, hindi pa rin maalis ang 'buwisit' ko kay Yuan. Hindi lang pala sa kanya kundi pati na rin sa taong kasabwat niya. Nang dahil sa pakikialam nilang dalawa ni Mark ay napurnada ang date ko. Dahilan para tuluyan nang hindi matupad ang minimithi kong dream car. Hindi na rin kasi ako kinontak ni Kristofe magmula noon.

"Jiji, ano ba ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako?"

"Get out of my sight!"

"Iyon ba talaga ang gusto mo?"

Hindi ako sumagot. Kahit asar pa rin ako sa kanya, hindi ko naman kayang ipagpatabuyan siya ng tuluyan. Subalit bago ko pa namalayan ay wala na si Yuan sa tabi ko. Saan siya nagpunta?

"Bossing, umalis na si Boss Yuan. Bibili yata ng pagkain," nakangising wika ni Bogard at saka binalingan ang mga kasama. "Mga kakosa, libre na naman ang tanghalian natin!"

"Alright!" Sigaw ng lahat.

Napapailing na binalikan ko ang ginagawa. May deadline pa pala akong hinahabol mamayang hapon.

"Bossing, may bisita ka!"

Pag-angat ko ng mukha ay nakita kong pumarada sa harapan ng talyer ang lumang volkwagen. Napaungol ako sa pagkadismaya. Naman!

"Boss Mark, anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Agad na sinalubong ni Bogard ang binata.

"Ipapaayos ko sana ang kotse ko."

"Lumipat ka na lang ng ibang talyer," sabat ko. "O mas mabuting dalhin mo na lang ang kotse mo sa junk shop. Doon iyon mas nababagay!"

"I came here as a customer at magbabayad ako."

Umangat ang kilay ko at nakipaglabanan ng titigan kay Mark. Ngunit siya rin ang unang sumuko. Obyus na guilty siya sa kanyang kasalanan.

"Ji, we need to talk."

"Mark!" Sumulpot si Trisha mula sa likuran ko. I almost forgot that she was there to visit the shop. Mukhang hindi rin inaasahan ni Mark na makita siya.

"What a surprise to see you here!"

"I need a car repair," he said in a lower voice.

"Really?" Tumingin sa akin si Trisha. Hindi ko na kailangan hulaan kung ano ang tumatakbo sa isip niya. "Jianne, ikaw na ang-"

"Busy ako," agap  ko sa sasabihin niya. "Marami pa akong tatapusin na mas importanteng trabaho."

"Sabi ko nga! Bogard, paki-assist naman ang kotse ni Mark."

"No problem, bossing!"

Hindi maipinta ang mukha ko nang yayain ni Trisha si Mark na pumasok sa loob ng opisina.

"Cous, do you want to join us?" Nang-aasar na yaya pa niya.

"Tse!"

"Boss Mark, wala naman pong sira ang makina ng volkswagen!" Narinig kong sigaw ni Bogard.

"Just change the tires!" He answered.

Bumalik si Bogard na nagkakamot ng ulo. "Maayos pa ang mga gulong at mukha pang mga bago. Bakit kailangan pang palitan?"

"Kung iyon ang trip niya, pagbigyan na lang natin," sabi ko nang lumabas sa ilalim ng sasakyan. Ayoko sanang makialam pero sinumpong ako ng kapilyahan. "Sige na, palitan mo na lahat ang gulong ng sasakyan niya. Kumuha ka ng apat na bagong gulong, iyon pinakamahal natin stock d'yan."

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now