Sinabihan ko si Klyde na if ever na may mangyari na hindi maganda sa site o anything na mali ay agad akong tawagan kasi responsibilidad ko yun since ako yung may hawak ng project na yun.

Makalipas ang dalawang oras ay napagdesisyunan kung magpunta sa Mall para mag window shopping at pumunta sa boutique nila Diane para tingnan yung mga new design nila na gown and also yung wedding gown na pagpipilian ni Ate Klarissa sa kasal niya. 2 months na lang yun.

Ang alam ko inaayos na yun kasi busy sila at hindi ko na sila masyado nakakasama pumunta sa site. 1 week ng hindi ko sila nakakasama kaya feeling ko busy na sila sa wedding preparation.

Nasa Mall na ako ng maka receive ako ng text message galing kay Klyde.

To: Eng. Klyde

Hey, where are you? I'm here in your apartment.

Pagkabasa ko ng text niya agad ko dinial ang number nito, buti na lang hindi pa expired yung load ko.

"Gago! Anong kailangan mo?" Naiinis kung sabi.

Gumilid ako dahil nasa gitna ako nakakahiya sa mga people.

"Aayain sana kita kumain, tara samahan mo ako." Sabi nito kaya napailing ako.

"Nasa Mall ako,"

"Who's with you?"

"Alone, quality time with my self." Sagot ko sabay tawa.

"Sira ka talaga, puntahan kita riyan. Dadaan muna ako sa Company para sa meeting siguro 30 minutes lang yun. Give me one hour, mahihintay mo ba ako?"

"Sige lang, mabilis lang ang oras. I'm into window shopping din kaya take your time lang Engineering Samonte."

"See you then..." Sabi nito kaya hindi ako nagsalita kasi hinihintay ko yung kadugtong ng sasabihin niya.

"Take care, love you." Sabay end call kaya natawa ako habang napapailing.

Baliw talaga yun, panigurado akong kinikilig na naman ang isang yun. Siraulo talaga! Daig pa babae kung kiligin eh.

Papasok na sana ako sa boutique nila Diane ng may humawak ng braso ko dahilan para tingnan ko siya.

It's Arra.

"Hey," nakangiti kung sabi kaya naman bumitaw siya.

"Hello!" Sabi nito sabay wave kaya nakangiti lang ako sa kaniya.

"Mag isa ka lang?" Tanong ko rito habang tumitingin sa paligid.

"Nag cr lang si Ralph, magkasama kami. Nanood lang kami ng sine, ikaw ba?"

"Solo lang ako, spending time with my self." Natatawang sabi ko.

"Bago ko rin makalimutan, okay lang ba if i-invite ka namin sa kasal namin ni Ralph, this coming Saturday na yun if hindi ka busy, if may work ka ayos lang maiintindihan namin yun eh. I hope maka attend ka. We're okay naman di ba?" Paninigurado nito.

Nauna yung pag invite bago yung assurance if okay kami. Ibang klase 'to baliktad ang pag iisip ng ate mo girl.

"Yep, friends kaya tayo." Sabi ko rito.

Baka mamaya sabihin nito bitter ako.

"Alam mo ba ikaw huling binigyan namin ng invitation, hindi kasi namin alam paano ka namin i-a-approach since may atraso kami sa'yo. Iniisip kasi namin it's kind of weird yet awkward na nandoon ka tapos sinaktan ka namin. Baka isipin ng mga tao pinapamukha namin sa'yo na hindi mo deserve mahalin." Sabi nito kaya natawa ako.

Totoo naman kasi na awkward lalo na kapag nakita ako ni Tita (mama ni Ralph) baka isipin nila nandoon ako sa kasal ng anak niya na ex ko. Pero wala naman sa akin yun, depende na lang yun sa taong nasa paligid namin. Basta kaming tatlo good term na at masaya na sa piniling landas.

"Congrats agad!" Sabi ko kaya naman inabot niya sa akin ang invitation.

"I hope we can see each other on that day. Anyway, the venue is indicated in that invitation and also the theme, if ever naman na wala ka magagamit sabihin mo lang kay Diane ako na mag-po-provide for you. Syempre, friends tayo." Sabi nito kaya natawa ako.

Sakto naman ang pagsulpot ni Ralph.

"Uy, congrats!" Bungad kung sabi saka nakipag apir sa kaniya.

"Don't worry, a-attend ako." Sabi ko sa kanila.

"Okay lang sa'yo makita mo kami sa altar?" Nag aalala na tanong ni Ralph.

"Gusto ko makita kayo sa altar na masayang nag iisang dibdib. Gusto ko marinig ko kung paano kayo mangangako sa isa't isa. Kahit masakit na hindi natupad yung pangako natin sa isa't isa, masaya ako na kayong dalawa ang tutupad ng pangako na yun. Matagal ko na kayo pinatawad at matagal ko na pinalaya yung nararamdaman ko. Kasi alam ko naman hindi ako ang makakapag pasaya sa'yo habang buhay. Don't worry hindi ako bitter." Sabi ko pa sa kanila kaya agad ako niyakap ni Arra.

"Sorry kung inagaw ko siya, sana yung susunod na magmamahal sa'yo iingatan ka at hindi ka iiwan. You deserve to be loved." Sabi nito sa akin habang umiiyak kaya hinaplos ko siya.

"Sana... sabay kayong tumanda. Nagparaya ako kasi may tiwala akong aalagaan mo siya at mamahalin." Sabi ko kaya mas naiyak siya.

Masakit magparaya pero mas masakit ipilit natin manatili siya sa atin kahit hindi na siya masaya at kung ang paraan lang para pareho kayong maging masaya ay bumitaw ay ayos lang alang alang sa tunay na saya.

"Masaya ako para sa inyo at sana tumagal pa kayo," iyon ang huling sinabi ko bago bumitaw sa pagkakayakap si Arra.

"Sorry and thank you," sabi ni Ralph kaya tinapik ko siya sa balikat.

"Ingatan mo yan ha? Pinagpalit mo ako kaya dapat siya ng ending point." Sabi ko kaya ginulo niya ang buhok ko.

"Sibat na ako, kailangan ko ng time para sa sarili ko. Congrats again!"

"Salamat," magkasabay na sabi nila sabay kaway sa akin saka naglakad palayo.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa kanila na palayo na ng palayo.

"Para saan pa?" Kaya napatingin ako sa nagsalita.

Alam ko naman kanino yun pero tiningnan ko pa rin para makita ang reaksyon niya.

"Para ipagmalaki sa mga tao na okay na ako. Atsaka syempre support. Atsaka hello! 3 years na yun. Past is past." Pakikipagtalo ko rito.

Kagigil naman ang isang 'to.

"Akala ka after one hour? Tila 20 minutes pa lang nakakalipas." Sabi ko sabay tingin ng oras sa relo ko.

"Tinamad na ako atsaka nag text si Mommy na hindi ko na need pumunta kaya dumeretsyo agad ko rito."

"How do you know na nandito ako banda?"

"Into window shopping ka sabi mo, so... I'm expecting sa boutique ng friend mo ikaw pupunta."

"Which is tama,"

"Bakit mo sila kausap? Tapos umuoo ka pa sa kasal, like nasisiraan ka na ba? Yung dalawang nanakit sa'yo panonorin mo maging masaya kasama ang maraming tao."

"Naka move on na ako Klyde, 3 fucking years na yun. Masaya na sila kaya maging masaya na lang tayo. Atsaka isa pa, feeling ko may nag iba sa akin." Sabi ko pa.

Lately ko lang 'to na realize, every time na ako lang mag isa bigla ko na lang 'to nararamdaman pero binabalewala ko since ayoko sirain yung pangako ko pero siguro tama nga sila na promises are meant to be broken.

"Nag iba sa'yo? Ano yun?"

"I think, I falling in love." Mahina kung sabi sapat lang para marinig niya.

"Kanino?"

Sorry Klyde. I think I'm a victim of unexpected love.

At ang masakit pa rito ay sa'yo ako na in love.

"Secret," sabi ko saka nauna pumasok sa loob.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon