Continental Drift

Magsimula sa umpisa
                                    

Naglakad lang kami ng tahimik at nang makadaan kami sa isang convenience store ay nagaya siyang bumili ng ice cream. May onting pera pa naman ako kaya okay lang. Bumili kami.

"Ba't ang bait mo sakin ngayon?" Tanong ko sa kanya nang nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Hindi ko alam."

"Talaga lang ha? Wala kang binabalak na masama?" Paninigurado ko.

Natawa si Alec at pinahiran ako ng ice cream sa pisngi. Nagulat ako sa lamig kaya napatili ako.

"ALEC!" Pinaghahampas ko siya sa braso.

Tawa lang siya ng tawa at nilagyan pa ng ice cream yung ilong ko. Naiinis na ako sa kanya kaya kahit hindi naman talaga ako naglalaro ng pagkain ay inisalampak ko sa mukha niya yung ice cream cone ko.

Ako naman ang natawa sa kanya. Ang ikinamamangha ko lang, imbis na magalit siya sa ginawa ko ay tumawa din siya at dinilaan pa yung tumulong ice cream sa nguso niya.

Hinila ko siya papasok ng apartment ko para makapaghilamos. Nakakahiya naman siyempre kasi kasalanan ko din iyon. Naghilamos na din ako kasi ang lagkit ng feeling nung ice cream.

"Sophie," Tawag sa akin ni Alec. "Pwedeng pahiram muna ng tshirt?"

"Natuluan ka ba sa damit?"

Tumango siya at pinakita yung harapan ng tshirt niya kung saan madami dami din ang ice cream na tumulo. Tiningnan ko siya muna at nagisip kung meron ba akong damit na magkakasya sa kanya. Ang laki kasi niyang tao.

Pumasok ako ng kwarto at kinuha iyong isa kong tshirt na bibihira ko lang sinusuot kasi malaki masyado sa akin. Inabot ko iyon kay Alec.

"Hindi ko sure kung---!"

Natameme ako nang maghubad siya sa tapat ko at nakita ko yung abs niya. Tinakpan ko agad yung mga mata ko at tumalikod. "Alec, may kwarto o CR naman! Bakit sa harap ko pa talaga?!"

"Bakit? Naiilang ka? Eh may boobs ka din naman eh!"

"Kahit na!"

Sheet of paper, yung abs niya parang permanenteng nakabaon na sa utak ko. Ang sexy pala niya. Napaisip tuloy ako kung isa din iyon sa dahilan kung bakit sumikat siya sa campus. Naghuhubad kaya 'to sa court? Hindi naman siguro.

"Okay na, tumingin ka na." Sabi ni Alec. "Pahingi akong tubig."

Pumunta ako sa maliit kong ref at kumuha ng isang bote. Kumuha na din ako ng baso para sa kanya at sinalinan yun ng tubig. Inabot ko yun sa kanya.

"Balik ko na lang tong tshirt next week, pag nalabhan ko na."

"Naglalaba ka?"

"Oo naman. Anong tingin mo sakin?"

"Ewan ko. Feeling ko kasi di ka naglalaba."

Natawa si Alec. "Hindi ako mayaman, Sophie. Sinong maglalaba ng damit ko kung hindi ako?"

"Malay ko ba kung nagpapalaundry ka?"

Natahimik kami kasi tinitingnan ni Alec yung family pictures ko. "Asan na parents mo?"

"Namatay sa atake sa puso si Nanay three years ago. Si Tatay naman nagkakumplikasyon sa kidney two years ago."

"Sorry to hear that," Sabi ni Alec at tiningnan ako.

"Yung mama mo?" Tanong ko. Alam ko naman na ang nangyari pero gusto ko pa rin malaman yung galing sa kanya.

"Nasa probinsya kami noon, nagbabakasyon. Nasa may palayan kami nang biglang sumama yung panahon. Bago pa kami makarating sa bahay ng lola ko natamaan na kami ng kidlat." Mahinang kwento ni Alec. "Hindi kinaya ni mama."

Naalala ko yung picture at yung pader  sa bahay niya. Hindi ko alam kung ano yun.

"Yung likod mo?" Tanong ko. "May peklat ka ba?"

Bumungtong hininga si Alec at pinakita yung likod niya. "Nagfade na yung arborescent erythema after a month pero kung titingnan mong mabuti may markings pa rin."

Hindi ko makita yung sinasabi niyang markings kaya lumapit pa ako. Nang may makita akong mark sa bandang batok niya ay hinawakan ko iyon at tinrace paibaba.

"Grabe, parang branch..." Pabulong kong sabi. "Masakit?"

"Dati. It felt sore tapos makati. May blisters din kaya medyo natagalan ako sa pagrecover."

Inayos na niya yung tshirt niya at humarap na sa akin. "Sige na, Sophie. May pahinga ka na. Uuwi na ako."

"Okay, ingat ka."

Hinawakan niya ako sa ulo at ginulo yung buhok ko. Magrereklamo pa sana ako pero pinitik niya ako sa noo kaya napahawak na lang ako doon. Lumabas na siya ng pinto at naiwan ako doon sa loob na hindi makapaniwala sa mga nangyari.

Nagopen up si Alec sa akin!

-------------------------------------------

A/N:

Kasi hindi ko alam yung isasagot ko sa assignment kaya nagprocrastinate muna ako HAHAHAHA. Okay, wala na akong lusot. Balik aral na ako!

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon