Continental Drift

Magsimula sa umpisa
                                    

First time na nakasabay ko siya sa paglalakad sa hallways kaya naman pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Noong napadaan pa nga kami sa isang grupo ng mga babae parang papatayin na nila ako sa mga tingin na ipinupukol nila. If looks could kill, twelve feet below the ground na ako.

Pagdating namin ng laboratory, dumiretso na kami sa table namin. Tahimik ang lahat dahil sa takot kay Alec kaya kinuha ko na lang yung notes ko at nagreview.

"Sophie," Tawag sakin ni Alec. "Ilang taon ka na?"

Napakunot ang noo ko sa biglaang tanong niya. "Twenty-one. Bakit?"

"Wala lang," Humalumbaba siya at kinindatan ako. Nanindig ang balahibo ko sa ginawa niya pero hindi ko ipinahalatang naapektuhan niya ako.

"Maganda ba sa Standford?" Tanong niya pa.

Tumango ako.

"Dapat sasama din ako sa student exchange program eh," Pakwentong sabi niya. "Kaso tinamad akong lakarin yung papers kaya di ako natuloy."

Tiningnan ko lang siya. Kung nagkataon pala baka si Alec yung nakasama ko sa Standford. Siya yung naging bestfriend ko doon.

Ngumiti si Alec sa akin. Yung ngiting walang malisya o masamang binabalak sa akin. Isang ngiting sincere at mabait.

Sana pala palagi na lang ganito si Alec. Para siyang normal na tao. Kung ganito siguro siya baka kaibiganin ko pa 'to.

Dumating na ang prof namin at ipinakita na ang gagawing experiment. Hindi siya madali dahil kailangan naming sukatin ng maayos yung mga liquid kaya dapat tama lahat ng proseso. Since mas sanay humawak ng instruments si Alec, ako ang nagbabasa ng instructions at siya ang gumagawa nito. May ilang beses din kami nagaway kasi mali daw yung basa ko at minsan mali naman yung ginagawa niya. Kaming dalawa nga ata yung pinakamaingay sa laboratory pero kami din naman ang pinakaunang natapos.

Nailista na namin lahat ng values kaya nagcacalculate na kami ngayon ng results. Katulad kanina ay magkahiwalay ang gawa namin. Ako may calculator, siya manual. Matapos sagutan ang problems ay nagcompare kami ng sagot at nagaway na naman kasi magkaiba kami ng sagot sa dalawang question.  Inulit namin yung proseso at nakitang pareho pala kaming mali ng ginawa.

Hindi ko alam kung anong meron ngayon pero napaka-cooperative ni Alec. Inaasar niya ako pero hindi yung malala katulad ng madalas niyang gawin. Nang tumunog na ang bell ay napansin kong pinagtitinginan pala kami ng ilang kaklase namin.

"May problema kayo?" Tanong ni Alec sa mga nakatingin.

Agad naman silang umiwas ng tingin kay Alec at kinuha na ang gamit nila at lumabas ng room.

"Ang siga mo, alam mo yun?" Sabi ko sa kanya habang papalabas kami ng room. Tapos na ang klase ko ngayong araw kaya pwede na akong umuwi at magpahinga saglit bago magtrabaho sa fastfood na pinapasukan ko.

"Alam ko,"

"Ganyan ka na ba talaga dati?" Tanong ko kay Alec.

Matagal bago siya sumagot. "Ewan ko."

Tiningnan ko lang siya. Nakarating na kasi kami sa gate. "Alam mo, sabi sakin nila Louisse at Leone, mabait ka daw na tao."

Umiwas ng tingin si Alec.

"Ako din, feeling ko mabait na tao ka. May pinagdaraanan ka lang kaya ka nagkakaganyan." Sabi ko. "Sige na, Alec. Uwi na ako."

Nakailang hakbang na din ako nang humabol siya sa tabi ko. "Hatid na kita."

Napatingin ako sa kanya, hindi sigurado kung may binabalak ba siyang kalokohan o ano. "Bahala ka. Wala ka na bang klase?"

"Wala na."

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon