Day 335 & 336

28 1 0
                                    

Day 335

Tagalog:

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

Tagalog:

Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. 

Mga Taga-Roma 12:12 MBB05



English:

Be joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer.

Romans 12:12 NIV


***

Ano man ang maging sitwasyon o mga pagsubok natin sa buhay ay buong puso tayong magpakatatag. Ating ipagkatiwala at ibigay ito sa ating Panginoon. Papaghariin natin Siya sa ating puso upang makita natin kung paano ang pagkilos Niya sa ating buhay. 

Palagi natin Siyang kausapin sa pamamagitan ng ating panalangin. Huwag tayong manghinawa sa panalangin at buong pusong magalak sa Kanya sapagkat tanging sa Diyos lamang tayo magkakaroon ng pag-asa na di kayang ibigay ng mundong ito. Sa Kanya ay mamumuhay tayo ng may kapayapaan. 

#GodBlessUs 😇❤#day335 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe

=======================================

Day 336

Tagalog:

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

Tagalog:

Ngunit ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, ang kalangitan ay biglang mawawala kasabay ng isang malakas na ugong. Matutupok ang araw, buwan at mga bituin. Ang mundo at ang lahat ng mga bagay na naririto ay mawawala. At dahil ganito ang magiging wakas ng lahat ng bagay, mamuhay kayo nang may kabanalan at sikapin ninyong maging maka-Diyos 

2 Pedro 3:10‭-‬11 MBB05 




English:


10 But the day of the Lord will come like a thief. The heavens will disappear with a roar; the elements will be destroyed by fire, and the earth and everything done in it will be laid bare. 11 Since everything will be destroyed in this way, what kind of people ought you to be? You ought to live holy and godly lives

2 Peter 3:10-11 NIV



***

 Walang makapagsasabi kung kailan o anong oras ang pagdating ng ating Panginoon sapagkat tulad ng sinasabi dito Siya ay darating na parang isang magnanakaw na walang nakakaalam kung kailan sasalakay. 

Kaya't magpatuloy tayo na mamuhay ng may katiwasayan at kabanalan. Maging gabay nawa natin ang banal na biblya upang makapamuhay tayo ayon sa Kanyang kalooban.

 #GodBless 😇❤#day336 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe

365 Days of Bible Verses (2020)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu