Day 233 & 234

67 1 0
                                    

Day 233

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Wala tayong dalang anuman sa sanlibutan, at wala rin tayong madadalang anuman pag-alis dito.
1 Timoteo 6:7 MBB05

English:

For we brought nothing into the world, and we can take nothing out of it.
1 Timothy 6:7 NIV



***

       Matuto tayong makuntento at pahalagahan ang mga biyayang ipinagkakaloob sa atin ng ating Panginoon. Sapagkat kung marunong tayong makuntento hindi tayo maghahangad ng mas higit pa sa hindi natin kaya.

Huwag nating hangarin o kainggitan man ang buhay ng iba sapagkat lahat tayo ay may kanya-kanyang kaloob na mula sa Diyos. 

Pagkasikapan natin na makaiwas tayo sa tukso ng sanlibutan at makaiwas sa masasamang paghahangad ng kayamanan na maaring magdudulot sa atin ng kapahamakan o maging ng kamatayan.

Bagkus sikapin natin na makapag-impok ng kayamanan na makalangit,  sapagkat hindi naman natin madadala sa kabilang buhay ang lahat ng kayamanan dito sa sanlibutan.

Kung tayo'y matututong makuntento sa mga biyaya na kaloob sa atin ng Panginoong Diyos, ipagkakaloob Niya sa atin ang kapayapaan,  kaligayahan at kapanatagan sa buhay na hindi kayang ibigay sa atin ng sanlibutan.

#GodBlessUs 😇❤
#day233 ❤
#toGodbetheglory

==============================

Day 234

Tagalog:

Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos.

Mikas 6:8 MBB05

English:

He has shown you, O mortal, what is good. And what does the Lord require of you? To act justly and to love mercy and to walk humbly with your God.
Micah 6:8 NIV


***

Tinuruan na tayo ng Panginoon kung ano ang mabuti, atin na lamang itong isagawa. Ang nais Niya lamang ay atin Siyang sundin.

Kaya't buong tiyaga nating maisakatuparan ang pagkamakatarungan, pagmamahal sa Kapwa at lalo't higit ang buong pagsunod kay Yahweh!

Sapagkat tayo'y Kanyang lubos na kinalulugdan kapag ating sinusunod ang Kanyang mga utos. Ibubuhos Niya sa atin ang mga pagpapala na di magmamaliw.

#GodBlessUs 😇❤
#day234 ❤
#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Where stories live. Discover now