Day 297 & 298

30 1 0
                                    

Day 297

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Manatili nga kayong tapat kay Yahweh, na ating Diyos. Sundin ninyo ang kanyang mga utos, tulad ng ginagawa ninyo ngayon." 

1 Mga Hari 8:61 MBB05 



English:

And may your hearts be fully committed to the Lord our God, to live by his decrees and obey his commands, as at this time."

1 Kings 8:61 NIV



***

Panatilihin natin ang pagiging tapat at pagsunod sa ating Diyos. Huwag nawa tayong mahiwalay sa Kanya, anuman ang maging sitwasyon natin sa buhay. Batuhin man tayo ng iba't-ibang pagsubok sa buhay, manatili pa rin nawa sa atin ang pagiging tapat natin sa Diyos. 

Magpatuloy pa rin tayo na Siya ay sundin at panghawakan ang Kanyang mayayamang salita. Mga pangako ng Diyos sa atin ay ating panghawakan sapagkat ni minsan ay wala Siyang hindi tinupad. 

 #GodBlessUs 😇❤#day297 ❤#toGodbetheglory


========================================

Day 298

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Mayroon namang magsasabi, "Malaya akong gumawa ng anuman," ngunit hindi lahat ng ito ay nakakabuti. "Malaya akong gumawa ng anuman," ngunit hindi rin lahat ng ito'y nakakatulong. Huwag ang sariling kapakanan ang unahin ninyo, kundi ang sa iba. 

1 Mga Taga-Corinto 10:23‭-‬24 MBB05 



English:

23 "I have the right to do anything," you say—but not everything is beneficial. "I have the right to do anything"—but not everything is constructive. 24 No one should seek their own good, but the good of others.

1 Corinthians 10:23-24 NIV




***

 Lahat tayo ay may kalayaan sa buhay. Kalayaan na gumawa ng anumang ating mga nanaisin ngunit sa kabila ng ating mga kalayaan, marapat lamang din na atin isaalang- alang ang mga tao na nakapalibot sa atin. 

Dahil sa ating kalayaan hindi lahat ay nakabubuti o nakatutulong maging sa ating sarili o sa kapwa man. Palagi nating isaalang-alang ang ating kapwa o mga taong nakapaligid sa atin sa lahat ng ating mga gagawin sa buhay. 

#GodBlessUs 😇❤#day298 ❤#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon