Day 225 & 226

84 1 0
                                    

Day 225

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat ang nangako sa atin ay maaasahan.

Mga Hebreo 10:23 MBB05



English:

Let us hold unswervingly to the hope we profess, for he who promised is faithful.

Hebrews 10:23 NIV



***

        Panghawakan natin ang mga pangako ng Diyos sa atin. Sapagkat ang tao ay maaring makabali ng kanyang pangako ngunit ang Diyos ay hindi tao. Siya ay Diyos na makapangyarihan sa lahat, kailanmam ay hindi Niya tayo binibigo sa mga pangako Niya sa atin. Kaya't huwag tayong mag-alinlangan pa sa Kanya, panghawakan at pagkatiwalaan natin Siya. Sapagkat Siya ay tunay na maasahan higit pa kaysa sa mga pangako na binibitawan ng tao.

#GodBlessUs 😇❤
#day225 ❤
#toGodbetheglory

=============================

Day 226

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban.
Mga Taga-Filipos 2:13 MBB05

English:

for it is God who works in you to will and to act in order to fulfill his good purpose.
Philippians 2:13 NIV

***

       Ang Panginoong Diyos ang Siyang kumikilos sa buhay ng bawat isa sa atin. Kaya't buong puso nating sundin ng Kanyang kalooban ng walang pag-aalinlangan. Sapagkat lubos niyang kasiyahan ang pagsunod at paggalang ng Kanyang mga anak na sumusunod sa Kanyang kalooban. Ipagkakaloob Niya sa atin ang espiritu na magbibigay patnubay at magkakaloob sa atin ng kalakasan upang mabuhay tayo para sa ating Panginoon.

#GodBlessUs 😇❤
#day226 ❤
#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Where stories live. Discover now