Day 363 & 364

50 1 0
                                    

Day 363

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ako'y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang ang manalig sa akin ay huwag manatili sa kadiliman. 

Juan 12:46 MBB05 



English:

I have come into the world as a light, so that no one who believes in me should stay in darkness.

John 12:46 NIV





***

 Ang Panginoong Hesus ay isinugo upang Siya ang maging ilaw ng sanlibutan. Siya ang daan tungo sa kaligtasan. Ang dala sa atin ng ating Panginoong Hesus ay kabutihan at pag-ibig sa bawat isa. Upang huwag tayong manatili sa kadiliman at ang tunay na kaligtasan ay ating makamtan.

#GodBlessUs 😇❤#day363 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe

==================================

Day 364

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang kahariang hindi mayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, sa paraang may paggalang at pagkatakot, sapagkat tunay nga na ang ating Diyos ay parang apoy na nakakatupok. 

Mga Hebreo 12:28‭-‬29 MBB05



English:

28 Therefore, since we are receiving a kingdom that cannot be shaken, let us be thankful, and so worship God acceptably with reverence and awe, 29 for our "God is a consuming fire."[]

Hebrews 12:28-29 NIV


****

Papurihan at sambahin natin ang Diyos na may paggalang at pagkatakot na siyang nararapat at nakalulugod sa Kanya. Buong puso natin Siyang pasalamatan at dakilain sa lahat ng mga ginawa Niya para sa atin. 


Tayo'y Kanyang iniligtas at binilang sa mga anak Niya na tatanggap ng Kanyang kahariang hindi mayayanig. Sapagkat gaya ng nasasabi ang Diyos ay parang apoy na nakakatupok. 


 #GodBlessUs 😇❤#day364 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe

365 Days of Bible Verses (2020)Where stories live. Discover now