Day 93 & 94

77 1 0
                                    

Day 93

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa.

1 Juan 4:18 MBB05




English:

There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love.

1 John 4:18 NIV


***

         Malinaw na sinasabi na ang pag-ibig ang mainam na pumapawi sa ating pagkatakot. Kung ang pa-ibig ang mangingibabaw sa atin tayo ay magkakaroon ng kapayapaan sa ating puso't-isipan ngunit sinasabi nga na kung hindi ito ganap kung tayo ay natatakot dahil kapag tayo ay nakakaramdam ng takot tayo ay para bang pinaparusahan. Kaya't marapat lamang na pag-ibig ang paghariin sa puso't-isipan ng mapawing ganap ang takot at sa Panginoon ito ilagak ng lubusan.

#GodBlessUs 😇❤
#day93 ❤
#toGodbetheglory


================================

Day 94

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ikaw ay Diyos na di nalulugod sa kasamaan, mga maling gawain, di mo pinapayagan.  Ang mga palalo'y di makakatagal sa iyong harapan, mga gumagawa ng kasamaa'y iyong kinasusuklaman.  Pinupuksa mo Yahweh, ang mga sinungaling, galit ka sa mamamatay-tao, at mga mapanlamang.

Mga Awit 5:4‭-‬6 MBB05





English:

For you are not a God who is pleased with wickedness; with you, evil people are not welcome.  The arrogant cannot stand in your presence. You hate all who do wrong;  you destroy those who tell lies. The bloodthirsty and deceitful you, Lord , detest.

Psalms 5:4‭-‬6 NIV


***

        Sa panahon ngayon ay nakikita at nasasaksihan ang mga maling gawa, mga sinungaling o mapanlamang sa kapwa, maaring makaligtas man ito sa mata ng mga tao ngunit sa mata ng ating Panginoon ay hindi sila makakaligtas. Siya ang dakila nating mambabatas na maghahatol at magpapataw ng kaakibat na parusa sa mga taong mapang-abuso sa paggawa ng masama.

#GodBlessUs 😇❤
#day94 ❤
#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Where stories live. Discover now