Day 185
Tagalog:
Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.Mateo 18:4 MBB05
English:
Therefore, whoever takes the lowly position of this child is the greatest in the kingdom of heaven.
Matthew 18:4 NIV
***
Hindi masama ang nagpapakababa dahil hindi naman ito kabawasan ng isang pagkatao bagkus ito ang mas kinalulugdan ng ating Panginoon. Kikilalanin ang taong nagpapakababa na pinakadakila sa kaharian ng langit. Inaangat ng Panginoon at pinagpapala ang mga taong nagpapakababa at ibinababa naman Niya ang mga nagmamataas.
#GodBlessUs 😇❤#day185 ❤#toGodbetheglory
===================================================
Day 186
Tagalog:
Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig.Mga Taga-Efeso 4:29 MBB05
English:
Do not let any unwholesome talk come out of your mouths, but only what is helpful for building others up according to their needs, that it may benefit those who listen.
Ephesians 4:29 NIV
***
Ang pagsasalita ng nakakasakit o masama sa kapwa ay iwasan sana natin. Maraming pwedeng mangyari sa salitang ating binibitawan, maaring ito'y nakabubuti o nakakasama. Kaya't sikapin natin na ang bawat lumalabas sa ating bibig ay magiging kapakinabangan ng mga nakakapakinig.
#GodBlessUs 😇❤#day186 ❤#toGodbetheglory
YOU ARE READING
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...