Day 303 & 304

28 1 0
                                    

Day 303

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

"Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato.

Mateo 7:24‭-‬25 MBB05


English:

24 "Therefore everyone who hears these words of mine and puts them into practice is like a wise man who built his house on the rock. 25 The rain came down, the streams rose, and the winds blew and beat against that house; yet it did not fall, because it had its foundation on the rock.

Matthew 7:24-25 NIV


*****

Mainam na ating isagawa ang mga salitang ating napapakinggan at nababasa mula sa mga salita ng ating Diyos. Sapagkat ito ay nagiging pundasyon natin upang tayo ay maging matibay sa ating pananampalataya sa Kanya.

Dumaan man ang mga unos sa ating buhay ay hindi tayo mabubuwal sa ating pananampalataya sa ating Panginoon. Siya ang magiging matibay nating pundasyon upang hindi tayo mabubuwal anuman ang magiging sitwasyon ng ating buhay.

#GodBlessUs 😇❤#day303 ❤#toGodbetheglory

==============================

Day 304

Tagalog:

Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad, ay itong si Yahweh, kung nais maligtas; sa gawain niya, ang Diyos nagagalak. Kahit na mabuwal, siya ay babangon, pagkat si Yahweh, sa kanya'y tutulong.


Mga Awit 37:23‭-‬24 MBB05


English:
The Lord makes firm the steps of the one who delights in him; though he may stumble, he will not fall, for the Lord upholds him with his hand.


Psalms 37:23‭-‬24 NIV


***

Kung ating ipagkakatiwala sa ating Panginoong Diyos ang lahat sa ating buhay kailanman ay hindi Niya tayo pababayaan. Siya ang ating tanglaw at gabay sa buhay. Ano man ang magiging sitwasyon natin sa buhay makakaasa tayong Siya'y laging nakaalalay.

Paulit ulit man tayong madapa o mabigo sa buhay, paulit-ulit pa rin Niya tayong tutulungan. Hindi Niya tayo pababayaan o iiwan man sa lahat ng sandali ng ating buhay.

#GodBlessUs 😇❤
#day304 ❤
#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Where stories live. Discover now