Day 141 & 142

58 2 0
                                    

Day 141

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, "Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon."Mga Taga-Roma 12:19 MBB05



English:

Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God's wrath, for it is written: "It is mine to avenge; I will repay,"[] says the Lord.

Romans 12:19 NIV




***

       Kung may mga nakagawa man sa atin ng kasalanan o hindi magandang ginawa sa atin, ay huwag nating isipin o balakin man na maghiganti. Bagkus, ipanalangin na lamang natin sila at hayaang ipaubaya at ipagkatiwala na lamang natin ito sa ating Panginoon. Ang Diyos Ama ay nakikita ang mga pangyayari at kaganapan sa ating buhay batid Niya ang lahat kaya't sa Kanya na lamang natin ito idulog at Siya na ang bahalang magpataw ng parusa sa taong nakagawa sa atin ng masama.


#GodBlessUs 😇❤#day141 ❤#toGodbetheglory



===============================================


Day 142

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ngunit ang taong marangal ay gumagawa ng tapat, at naninindigan sa kung ano ang tama.Isaias 32:8 MBB05


English:

But the noble make noble plans,
and by noble deeds they stand.

Isaiah 32:8 NIV



***

        Isang malaking karangalan ang pagiging tapat at naninindigan sa kung no ang tama. Kayamana itong maituturing ng isang tao at ng kanyang pamilya. Lubos na kinalulugdan at pinagpapala ng Diyos ang taong matapat. Kaya't sikapin natin na maging tapat sa lahat ng panahon at patuloy na manindigan sa kung ano ang tama lalo na sa paningin ng ating Panginoon.


#GodBlessUs 😇❤#day142 ❤#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Where stories live. Discover now