Day 229 & 230

86 1 0
                                    

Day 229:

Tagalog:

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

Tagalog:

Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.Mga Awit 28:7 MBB05



English:

The Lord is my strength and my shield;
my heart trusts in him, and he helps me.
My heart leaps for joy,
and with my song I praise him.

Psalms 28:7 NIV



***

       Ating italaga ang ating mga sarili sa ating Panginoong Diyos sapagkat masusumpungan natin ang mga biyaya Niyang di natin kayang matarok. Kaya't ating ipagkatiwala ang lahat lahat sa Kanya at ating mararansan kung paano Siya magiging lakas at kalasag natin sa buhay. Tutulungan Niya tayo at aaliwin, kailanman ay hindi papabayaan. Kaya't pasalamatan natin Siya sa lahat ng kabutihan at kadakilaan Niya. Pag-ibig Niya'y di magmamaliw kailanman pa man.

#GodBlessUs 😇❤
#day229 ❤
#toGodbetheglory

============================

Day 230

Tagalog:

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

Tagalog:

Ang gintong nasisira ay pinaparaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa ginto, ay pinaparaan sa pagsubok upang malaman kung ito'y talagang tapat. Sa gayon kayo'y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo.
1 Pedro 1:7 MBB05

English:

These have come so that the proven genuineness of your faith—of greater worth than gold, which perishes even though refined by fire—may result in praise, glory and honor when Jesus Christ is revealed.
1 Peter 1:7 NIV


***

      Katulad ng isang ginto kailangan muna itong idarang sa apoy upang makita o malaman na ito ay dalisay. Ganoon din naman tayong mga anak ng Diyos, lahat tayo ay dumaranas ng iba't-ibang uri ng pagsubok sa buhay. Dito tayo masusubukan kung hanggang saan o hanggang kailan tayo magiging matatag at matibay sa ating pananampalataya sa ating Panginoon. Ito ang nagiging batayan kung gaano tayo katapat sa ating Panginoon at kung paano tayo nagtitiwala sa Kanya at kung paano umasa sa Kanyang mga pangako sa atin. Nawa mapagsikapan natin na malampasan ang lahat ng mga pagsubok sa bawat isa sa atin at maging tapat tayo sa ating Panginoon hanggang wakas sapagkat tayo'y Kanyang gagantimpalaan sa lahat ng ating mga ginawa.

#GodBlessUs 😇❤
#day230 ❤
#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Where stories live. Discover now