Day 95 & 96

68 1 0
                                    

Day 95

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili. Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.

Mga Taga-Filipos 2:3‭-‬5 MBB05





English:

Do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather, in humility value others above yourselves, not looking to your own interests but each of you to the interests of the others.  In your relationships with one another, have the same mindset as Christ Jesus:

Philippians 2:3‭-‬5 NIV





***

      May mga taong na naghahangad ng katanyagan sa buhay. Iniisip nila o gumagawa sila ng paraan kung paano sila magiging tanyag at makahihigit sa iba ngunit ang ganitong kaisipan ay hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Labis Nyang kinalulugdan ang mga taong may mapagpakumbabang puso at may malasakit sa ibang tao. Inuuna ang kapakanan ng iba kaysa sa kanyang sarili at tanging Siya lamang ang nakakaalam at nakakita ng kalooban ng bawat isa kung tunay ito o hindi. Kaya't nawa'y ang bawat isa sa atin ay magkaroon ng kaisipan na kagaya ng Panginoong Hesukristo na nag-alay ng Kanyang buhay para sa kaligtasan nating lahat.

#GodBlessUs 😇❤
#day95 ❤
#toGodbetheglory

===============================


Day 96

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan!

Mga Awit 100:4 MBB05





English:

Enter his gates with thanksgiving and his courts with praise; give thanks to him and praise his name.

Psalms 100:4 NIV





***

        Panibagong araw, panibagong pagkakataon! Hindi man tayo ngayon makapunta sa templo ng ating Panginoon, hayaan nating Siya ang papasukin natin sa ating mga tahanan. Purihin at sambahin natin ang Kanyang dakilang pangalan. Awitan at pasalamatan natin Siyang lubusan.

#GodBlessUs 😇❤
#day96 ❤
#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Where stories live. Discover now