Day 255 & 256

35 2 0
                                    

Day 255

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sumagot siya, "Dahil sa maliit ang inyong pananampalataya. Tandaan ninyo: kung kayo'y may pananampalataya sa Diyos na sinlaki ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, 'Lumipat ka roon!' at ito'y lilipat nga. Tunay na walang bagay na hindi ninyo magagawa."
Mateo 17:20‭-‬21 MBB05


English:

20 So Jesus said to them, "Because of your []unbelief; for assuredly, I say to you, if you have faith as a mustard seed, you will say to this mountain, 'Move from here to there,' and it will move, and nothing will be impossible for you. 21 []However, this kind does not go out except by prayer and fasting."

Matthew 17:20-21 NIV

***

Tunay ngang napakahalaga ng pananampalataya, kaya nitong gawin ang lahat ng mga bagay na sa tingin natin ay hindi natin magagawa. Ang maliit na butil ng musta ay napakaliit ngunit kung ito ay sumibol ito ay yayabong at lalago.

Ganuon din sa ating pananampalataya, kung may maliit man tayo nito at hahayaan natin na ito ay yumabong at lumago, walang bagay ang hindi natin magagawa sa tulong ng ating Panginoon. Ang mga bagay na imposible ay magiging posible kung ating ibibigay ng buong buo ang ating pagtitiwala at pananampalataya sa ating Diyos na makapangyarihan sa lahat.

#GodBlessUs 😇❤
#day255 ❤
#toGodbetheglory

===============================

Day 256

Tagalog:

Mapalad ang bawat tao na kay Yahweh ay may takot, ang maalab na naisi'y sumunod sa kanyang utos.
Mga Awit 128:1 MBB05

English:

Blessed are all who fear the Lord , who walk in obedience to him.
Psalms 128:1 NIV

***

Lubos ang ligaya at kagalakan ng ating Panginoon ang taong may pagkatakot at paggalang sa Kanya. Ang nais ng taong ito ay masunod ang kalooban at mga kautusan ng Diyos. Kinalulugdan Niya ito at pagpapalain sa lahat ng kanyang gagawin.

Magkakaroon ng kapanatagan sa kanyang puso't isipan ang taong ito. Gabay niya sa kanyang buhay ang mga salita, turo at aral ng ating Panginoong Diyos. Hindi siya matitinag daanan man siya ng iba't-ibang pagsubok sa buhay sapagkat ang kanyang pagtitiwala ay sa ating Panginoong Diyos nakalagak.

#GodBlessUs 😇❤
#day256 ❤
#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Where stories live. Discover now