Day 315 & 316

30 1 0
                                    

Day 315

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Walang natatago na di malalantad at walang nalilihim na di mabubunyag. Ang sinabi ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at ang ibinulong ninyo sa loob ng silid ay ipagsisigawan sa lansangan.

Lucas 12:2‭-‬3 MBB05 



English:

2 There is nothing concealed that will not be disclosed or hidden that will not be made known. 3 What you have said in the dark will be heard in the daylight, and what you have whispered in the ear in the inner rooms will be proclaimed from the roofs.

Luke 12:2-3 NIV



****

Lahat ng bagay na ginagawa nating mga tao na pilit nating inililihim o itinatago sa harap ng mga tao at maging sa ating Panginoon ay hindi natin maililihim sa mahabang panahon. Alam ng Diyos ang lahat lahat sa atin. Maliit man ito o malaki sa ating Panginoon ito ay hindi lingid. 

Manatili man itong lihim sa mata ng tao subalit sa ating Panginoon ay hindi natin ito maitatago. Darating at darating ang panahon na malalaman at malaman ito ng lahat. Mabuti man o masama ang intensyon, tanging ang Diyos lamang ang lubos na nakasisiyasat ng nilalaman ng ating puso.

 #GodBlessUs 😇❤#day315 ❤#toGodbetheglory


==================================================

Day 316

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sapagkat nahayag na ang kagandahang-loob ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao. 

Tito 2:11 MBB05 



English:


For the grace of God has appeared that offers salvation to all people.

Titus 2:11 NIV



***

Patuloy na nahahayag ang kabutihan ng Diyos sa bawat isa sa atin. Siya ang nagiging matibay nating pundasyon upang ang kaligtasan ay ating makamtan. 

Napakabuti ng Diyos sapagkat tayo ay Kanyang minamahal, pinapatawad at kinakalinga upang ating makamtan lamang ang kaligtasan na mula sa Kanya. 

 #GodBlessUs 😇❤#day316 ❤#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Where stories live. Discover now