CONTINUATION

347 12 4
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CONTINUATION

MARCO POV

Lumipas ang ilang araw at palagi na akong sumasama kay Ate Pat sa tuwing nagpupunta siya ng bar. Hindi ako mahilig makipag socialize kaya naman sa tuwing kasama ako ni Ate naka isang sulok lang ako.

I don't know pero sa tuwing sumasama ako sa kanya may hinihintay akong isang tao, mula nung araw na makita ko siya nagkaroon na ako ng crush sa kanya. Crazy diba? But this is my first time na magkaroon ng crush. But minsan lang magpunta si Clumsy girl dito sa bar. Sabi ni Ate madami daw kasing ginagawa yon, at isa pa, isa daw ang pamilya nila sa pinaka mayaman sa lugar na ito.

Sa itsura palang din kasi niya mukha na siyang mayaman, kaya hindi na din ako magtataka kung magiging busy ito.

Nasa labas ako ng bar at nagpapahangin, wala din naman akong gagawin sa loob kaya mas pinili ko nalang dito sa labas. Habang naka tingin sa daan. May huminto namang isang itim na sasakyan sa tapat.

Hindi ko naman pinagtuunan ng pansin ang sasakyan kaya tumingin nalang ako sa iba. Habang abala ako kakatingin sa paligid narinig ko namang may tumawag sa pangalan ko, kaya naman lumingon kaagad ako sa pinanggalingan ng boses.

"Tabaching-ching" malakas na tawag nito sa akin.

Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng pangalan na iyan walang iba kundi si Amber. Tumatakbo ito papunta sa kinaroroonan ko.

Ano naman kaya ang kailangan ng isang ito sa akin. Maya-maya pa ng malapit na ito sa akin biglang nalang itong natalisod sa isang malaking bato, dahilan para madapa ito.

"ARAYYYYYY!!!" malakas na pagdaing nito.

Kaya naman nagmadali akong nagpunta sa kinaroroonan niya.

"Are you alright?" tanong ko sa kanya.

Padapa siyang natumba kaya naman nakaharap siya sa daan. Tinulungan ko naman siyang makatayo.

"Aray ko" nakasimangot na daing nito.

Napansin ko namang nadumihan ang suot niyang puting dress at nagkasugat din ito sa tuhod pati na rin sa braso.

"Okay kalang ba?" tanong kong muli sa kanya.

"Mukha ba akong okay? Nakita mo naman kung anong nangyari sa akin tapos tatanungin mo pa kung okay ako?" pilosopong sagot nito sa akin.

Imbis na mainis ako natawa nalang ako sa naging sagot niya. Pinagpagnaman nito ang dress niya pero hindi natanggal ang dumi nito.

"Gusto mo pumasok muna tayo sa bar para magamot yang sugat mo?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman ito sa akin, kaya naman inalalayan ko siya sa paglalakad dahil masakit daw ang mga sugat niya.

Pagkapasok namin sa bar pinaupo ko muna siya bago ko hinanap si ate. Nakita ko naman kaagad siya kaya naman sinabi ko sa kanya ang nangyari kay Amber.

Kumuha muna si Ate ang panglinis sa sugat ni Amber. Ako naman kinuha ko yung jacket na paborito ko. Sabay na kaming nagpunta ni ate sa kinaroroonan ni Amber.

Naabutan naman namin itong umiiyak. Kaya naman nagmadali kami ni ate papunta sa kanya.

"Hey why are you crying?" tanong ko sa kanya ng makalapit kami.

Tumingin lang ito sa akin at umiyak. Kaya naman mabilis ko itong niyakap. I don't know pero naawa ako sa kanya kaya niyakap ko siya.

"Shhhhh, stop crying nandito na kami" pagpapatahan ko sa kanya. "Bakit kaba umiiyak?" tanong kong muli sa kanya.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now