CHAPTER 16

504 25 0
                                    

CHAPTER 16

BRENT POV

Still me huh hindi ko muna bibigyan ng moment si ross ako muna dapat ngayon.

Habang naglalakad kami pinagtitinginan kami ng mga kababaihan pinagpapantasyahan nila kami at hinahangaan.

"OMG nandito na silaaaa" sigaw ng isang babae

"Tingnan nyo kung gaano sila kagwapo"

"emeged kenekeleg eke"

"Mga fafa samin nalang kayo" sabi ng mga babaeng nasasalubong namin masisisi ba namin sila sa ganagawa nila samin haha

May humarang namang babae sa dinaraan namin kaya huminto kaming lahat at tinignan lang namin sya.

" Ah Kendric ganito kasi yon gusto ko lang ibagay tong binaked kong cupcake pinaghirapan ko talaga yan sana magustuhan mo" sabi ng babae habang namumula ang mukha. Tiningnan naman yon ni kendric at nagsalita

" Ayoko ng matamis nakaka diabetes" sabi ni kendric tsaka nilagpasan ang babae sumunod naman sila Jackson

" Better luck next time miss" sabi naman ni tobby habang tinatap ang likod ng babae. Lumapit ako sa babae at kinuha ang cupcake aba sayang yon no tutal hindi naman kami naka kain ng maayos tsaka wala akong pangmiryenda mamaya kaya pagtatyagaan kona to.

"Akina miss ako nalang ang kakain, next time magdala ka ng ampalaya baka tanggapin nya kasi hindi sya mahilig sa matamis kaya ampalaya ang dalhin mo" sabi ko sa kanya habang tumawa

Jackpot to may makakain na ako mamaya pang pawala ng gutom. Sandaling nawala ang kaba namin habang naglalakad natutuwa kasi kami sa mga babaeng pinagsisigawan ang pangalan namin. Miya miya pa huminto na ang mga kasama ko sa paglalakad at naka tingin si pintuan kung nasaan ang bruha. Kumatok naman sila ng tatlong beses bago pumasok.

" Ah guys hintayin ko nalang kayo dito sa labas ako muna ang body guard baka mamaya may manakit sa inyo" sabi ko habang lumalayo sa kanila.

" Siraulo kaba, hindi mo kami maloloko brent" tobby

" Aysus naduduwag kalang eh" sabi naman ni khen sa totoo lang tama naman yung sinabi nya kasi sa totoo lang nakakatakot naman talaga ang babaeng yon no kaya ka nong patayin gamit ang mga kamay nya kaya ayokong nakikita sya.

" Sinong duwag,aba walang duwag dito gago kaba" tapang tapangan na sabi ko sa kanya

" Lahat naman tayo natatakot sa pwedeng mangyari dito pero kailangan natin syang harapin kaya walang maiiwan dito sa labas" sabi naman ni yohan

Hindi na ako nakapag reklamo ng kaladkarin ako ni hero at khen. Shet eto na yon makikita ko nanaman ang bruha. Naka pikit akong pumasok sa office nya. Ayokong tingnan sya baka maging bato ako hahah char

" Good morning ate veron" pagbati ng mga kasama ko pero hindi ako nakisabay sa kanila nakapikit pa din ako.

"Mag si upo kayo" sabi naman ng bruha, Shet boses palang nakakatakot na. Umupo naman kami buti nalang inalalayan ako ng dalawa. Nagulat naman ako ng may pumitik ng noo ko at bumulong sakin

" Hoy brent imulat mo nga yang mata mo nagmumukha kang baklang takot" kilala ko kung kaninong boses kay tobby yon. Inaasar nya lang ako. Hindi pa din ako dumilat hinayaan ko lang ang sinabi nya.

" Brent idilat mo yang mata mo kung ayaw mong masipa sa mukha ng bruha" sabi naman ni Jackson na nagpadilat ng mga mata ko hanep na yan lalo akong kinakabahan sa sinasabi nya. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nahagip non ang babaeng nakaupo habang nakatalikod samin. Hanep nandito na nga talaga sya walang halong biro't salamangka.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon