CHAPTER 7

546 25 0
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 7

AMBER ROSS POV

Ilang minuto din ang lumipas ng makarating kami sa mall grabe hindi ko inexpect na ganon katagal ang byahe,kaya sa sobrang inip ko nakatulog pa ako buti nalang ginising ako ni manong grab.

Ngayon nag iikot ikot ako sa mall naghahanap ako ng damit na pwedeng bilin actually hindi naman ako maarte sa brand ng damit basta maisusuot okay na ako wag lang yung mga dress at pang sexy. Napuntahan kona ang store ng bench, penshoppe, rrj, jag, korean store na may tindang mga damit dun kasi ako nakabili ng pastel na color ng damit sobrang dami na ng binili halos hindi ko na nga mabuhat kaya ang ginawa ko nanghiram ako ng isang pushcart para hindi ako mahirapang magbuhat.

Ngayon naman naglalakad ako papunga shoe store para makabili ako ng konting sapatos para may magamit naman ako pag aalis ako 26mins din bago ako natapos bumili ng sapatos sa Gucci 3 pares ng sapatos ang nabili ko sa adidas naman 5 pares, sa vans 4 na pares sa convers 3 bali 15 na pares ng sapatos ang binili ko hindi naman halatang mahilig ako sa sapatos. Syempre bumili na din ako ng bags, cap at kung ano ano pa.

Nang matapos na akong mamili ng gamit ko dumiretso naman ako sa super market para mag grocery ng kakainin namin oo tama ang basa nyo namin pakakainin ko sila kawawa naman eh. Wala na ngang pera wala pang makain baka mabaliw na yung mga yon pag hindi nakakain.

Kumuha na ako ng number at iniwan ang pinamili ko kumuha ako ng dalawang push cart kasi sure ako hindi magkakasya ang pinamili ko sa isang push cart.

Habang nag iikot napunta ang atensyon ko sa section ng seafood parang ang sarap mag sinigang na hipon ngayon ah nagutom tuloy ako sa naisip ko.

Lumapit ako sa store at namili ng hipon nagulat naman ako ng biglang magsalita si kuya " Hi mam good afternoon " sabi nya habang naka ngiti masyado syang hyper

" Good afternoon din kuya patimbang naman kung dalawang kilo na to" sabay abot sa napili kong hipon " Mam 3 kilo na po sya" sabi ni kuya

" Diba kuya ang sabi ko 2 kilo edi alisin mo yung isang kilo para maging dalawa" sabi ko sa kanya

" ah ganon po ba sige po mam" ginawa naman nya ang sinabi ko " Mam ipaplastik pa po ba? " tanong nya sakin

" Ay wag kuya tray mong ilagay sa tissue para masaya" pambabara ko sa kanya " Hehe si kuya naman syempre ilalagay mo sa plastik yan" pagpapaliwanag ko sa kanya obvious naman yung sagot nagtatanong pa sya

" Si mam naman palabiro haha" sabi nya habang tumatawa. Wow ha feeling close si kuya kung makipag usap. Pagtapos nyang ibalot yung hipon kinuha ko agad at umalis sinasayang nya ang oras ko ng matapos akong mamili pumila na agad ako sa cashier para magbayad ng pinamili ko alangan namang nakawin ko to syempre babayaran ko.

" Habang iniiscan ni ate ang pinamili ko abot naman ang kwentuhan nila nung lalakeng diser wow nakuha pang makipag kwentuhan hindi muna unahin yung trabaho nya. Naiinis pa naman ako sa mga taong ganyan lalo pang nadagdagan ang inis ko ng makaramdam ako ng gutom.

" Ate girl matagal paba yan? Mas marami kapang time sa pakikipag usap kay kuya kaysa sa trabaho mo eh" sabi ko sa kanya habang naka pamewang. Natauhan naman silang dalawa sa sinabi ko

" Pakibilisan naman kanina pa ako dito, mamaya na ang harot ate. Ang harot makakapaghintay  pero ang gutom ko hindi na kaya ate bilisan mo dyan kung ayaw mong kainin kita" nanlalaking mata na sabi ko sa kanya. Ilang minuto pa ng matapos syang mag scan ng pinamili ko.

"17,896.25 po lahat mam" sabi ni ate. Binigay ko naman yung credit card na binigay ni mommy sakin lahat ng ginastos ko ngayong araw sa credit card ko nayan kinuha.

" Mam pin code nyo po" sabi na ulit " pasign nalang po ako mam" pumirma naman ako sa tatlong resibo na inabot nya " okay po mam thank you po have a nice day" pahabol ni ate. Tinulungan naman ako ng isang stuff na itulak ang isang push cart

Bago pa ako umuwi dumaan muna ako ng mcdo para mag take out ng pagkain 3:30 na kasi ng hapon kaya nagugutom na ako pero sa sasakyan nalang ako kakain nagbooked naman na akong ng grab 6 sitters para magkasya lahat ng pinamili ko.

Nang dumating ang binooked ko na grab tinulungan naman ako nila kuya na isakay ang lahat ng pinamili ko sa likod dahil hindi naman kasya lahat sa likod pati sa gitnang upuan nilagyan din namin ng pinamili ko. Bago pa umalis sila kuyang diser binigyan ko sila ng tip pasasalamat sa tulong nila.

Hindi ko naman kasi kayang buhatin lahat ng pinamili ko sa liit ba naman ng katawan ko nato tapos bubuhatin ko pa lahat yan! Nako kahit isauli ko nalang lahat ng pinamili ko wag lang ako mag bubuhat ng napaka bigat.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now