CHAPTER 82

343 16 10
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 82

AMBER ROSS POV

I'm so shocked ng ikwento lahat sa akin ni Marco mula sa umpisa. Bigla tuloy bumalik lahat ng mga memories namin together. Maluha luha rin ako sa naging kwento nito.

Kaagad akong lumapit sa kanya at niyakap ito ng mahigpit. Sa pagkakataon din na iyon bumagsak ang mga luha ko.

"Tarantado ka!!! Bakit hindi ka kaagad nagpakilala sa akin!? Alam mo bang miss na miss na kita? Ilang taon kong hinintay ang araw na ito! Akala ko nakalimutan mo na ako? Akala ko nawala kana talaga ng tuluyan? Alam mo sobra akong nalungkot mula nung umalis ka sa probinsya ng wala manlang pasabi! Sobrang nainis ako sayo pero wala naman akong magagawa dahil iyon ang naging desisyon mo!" paliwanag ko sa kanya.

Naramdaman ko naman ang pagkabasa ng damit ko sa bandang balikat kaya naman bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan ito. Umiiyak ito na parang bata pero naka ngiti ito.

"Ano naman yang iniiyak-iyak mo?" tanong ko sa kanya

"Wala, sobrang sayo ko lang kasi hindi ka nagalit sa akin" ani nito.

Umismid naman ako at binigyan siya ng malakas na batok!!

"Aray!!" daing nito sa akin

"Anong hindi nagalit? Alam mo bang galit na galit ako sayo! Lalo na nung sinabi mong pinagmamasdan mo ako sa malayo! Siraulo ka talaga Marco! Pero alam mo ang laki ng pinagbago mo kaya siguro hindi kita natandaan?" namamangha kong sabi.

"I didn't change Amber, I grow up" naka ngiti nitong sabi

Napangiti naman din ako sa ginawa nito kaya naman inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Mukhang nagulat pa ito sa ginawa ko dahil nanlaki ang mata nito.

"Nagbago ka, kasi lalo kang gumwapo" ani ko sabay kindat.

Nailang naman ito sa sinabi ko kaya mabilis nitong inilayo ang mukha niya sa mukha ko. Nahiya pa ang loko akala mo naman hindi namin ginagawa yon nung mga bata pa kami.

"Alam mo ang liit talaga ng mundo no? Kung alin pa ang mga taong hindi mo inasaasahang na tutulong sayo? Sila pa ang magbabago ng buhay mo. I'm happy to see you again Tabaching-ching" masaya kong sabi sabay yakap muli sa kanya.

"I'm happy too dahil naalala mo na ulit ako" sagot nito sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Hindi ko inaasahan na si Marco pala ang kaibigan ko dati? Wala naman kasi sa itsura niya ang pagiging mataba dahil matipuno ang pangangatawan nito. Sa paglipas ng limang taon nakalimutan ko man siya pero nananatili parin siya sa puso ko. Walang mapaglagyan ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon dahil kasama kona ang long lost friend ko. 5 year's din ang lumipas sobrang namiss ko siya.

Ilang minuto pa ang lumipas at madami pa kaming napag-usapan ni Marco tungkol sa mga nangyari sa amin this past year. Doon ko din nalaman na ilang taon din siya nanirahan sa ibang bansa kaya nagbago ang appearance niya. Kahit naman nagbago pa siya, siya parin si Marco na naging kaibigan ko para sa akin siya parin si Tabaching-ching na naging kaibigan ko.

Maya-maya pa may kumatok sa pinto at pumasok sa loob. Si Oliver pala may dala itong pagkain.

"Ummmm, in 30 minutes mag-uumpisa na ang gig okay naba kayong dalawa?" tanong nito sa amin.

Nagulat naman kami ng biglang nagsisulpot ang mga kaibigan ni Marco

"So tell us kung anong pinag-usapan ninyo?" chismosong tanong ni Ruel.

"Oo nga naman para naman alam namin kung ano ang story niyong dalawa" malapad na ngiting tanong ni Ivan

"Wag madamot share your story" singit pa ni Erwin.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now