CHAPTER 66

350 15 0
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 69

AMBER ROSS POV

Nakatingin lang ako sa mga kasama ko habang niyayakap ang bagong dating na mga babae. Anong meron? Bakit ganon nalang sila kasabik makita ang mga ito? Bakit ako lang ang walang alam sa kanila?

Hindi naman nila napapansin na naoop ako sa ginagawa nila? Dahil busy silang lahat pwera lang kay Kendric. Mabuti nalang walang pakialam sa mundo ang lalaking to.
Naupo na akong muli sa upuan ko at pinagmasdan sila. Mukhang ang sasaya ng mga loko sa bagong dating na mga babae ah.

Siguro mga kaibigan nila ang mga ito, dahil mukhang closed sila sa isa't-isa. Ang saya naman madadagdagan nanaman kami, sana naman mababait silang lahat. Para naman magkakasundo kami para masaya.

Nagulat naman ako ng tumayo si Kendric at akmang lalapit sa mga babae ng hawakan ko ang braso nya, pinanlakihan ko sya ng mata.

"What?" tanong nito sa akin.

"Anong what ka dyan? Subukan mo lang na yumakap yakap sa kanila, sinasabi ko sayo kaya kitang tanggalan ng buhay ngayon!" panananakot ko sa kanya.

"The Hell!" gulat na sabi nito sa akin.

"Upo!" utos ko sa kanya. Tinitigan naman ako nito mula ulo hanggang paa bago naupo.

"Fine" pagsuko nito at nagpatuloy ng muli sa pag kain.

Hindi ko naman na sila tinignan at nagpatuloy nalanh din ako sa pagkain, hindi naman kasi nakakabusog ang pagtingin sa kanila, kaya kakain nalang ako.

Ilang minuto pa ang lumipas ng nagsiupo na sila, kumuha sila ng upuan para sa bagong dating at pinaupo ito sa tapat ko.

"Kaylan pa kayo dumating?" masayang tanong ni Tobby.

"Kanina lang" maikling sagot ng isang babae na maikli ang buhok.

"Why didn't you tell us na uuwi kayo?" masayang tanong naman ni Brent.

"No need na, we all know that all of you are busy" naka ngiti namang sabi ng curly ang buhok.

"I'm glad that you're here now, my heart is beating so fast" kinikilig naman sa sabi ni Khen.

"If I know nambababae ka dito!" maratay na sabi ng isang babae na singkit.

"Nako totoo yon Stella" kanchaw naman ni Hero.

"Isa kapa! Alam kong gawain mo din yon!" sabi sa kanya ng babaeng morena.

"Kawawang mga bata, pinagagalitan" natatawang sabi naman ni Yohan.

"Sus patay malisya Yohan, isa ka din sa kanila" sabi sa kanya ng babaeng maiksi ang buhok.

Nagtawanan naman silang lahat maliban sa akin, hindi ko naman kasi alam kung ano ang pinag-uusapan nila kaya tahimik lang ako. Mukhang nakalimutan na ata ako ng mga kasama ko, dahil hindi manlang nila ako dinadapuan ng tingin. Busy sila kakakausap don sa bagong dating. Hindi manlang ba nila ako pakikilala sa kanila?

Hay nako Ross wag kanang mag expect na mapapansin kanila ngayon, busy sila kaya kumain ka nalang dyan.

Sabi ko sa sarili ko, bumalik na akong muli sa pagkain at hindi kona sila pinansin, para saan pa eh, wala naman silang pakialam sa akin diba?

Maya-maya pa bigla silang tumahimik, pero dedma na sa kanila dahil busy ako sa pagkain.

"Who is she?" tanong ng isang babae sa akin.

Tinignan ko naman sila. At nakita ko nakataas ang kilay ng babaeng morena sa akin. Mukhang sya ang nagtanong kung sino ako dahil nakaturo pa ang daliri nya sa akin.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now