CHAPTER 13

525 28 0
                                    

AMBER ROSS POV

Habang naglalakad ako papunta school marami akong nakikitang mga student na kamukha ng uniform nila tobby infairness ha maganda yung school uniform nila kulay maroon yung shirt tapos isang long sleeve na white tapos color maroon na may yellow yung neck tie ang cute lang tingnan.

After 20mins na paglalakad nakarating na ako sa bago kong school nasa tapat na ako ng gate ng nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi kasi kinakabahan ako. Pero tutal nandito naman na ako kaya ipupush kona. Pumasok ako sa loob at binati ako ni manong guard ng good morning nginitian ko naman sya bilang tugon.

Mangilan ngilan palang din ang student ngayon halos mga naka pang porma sila. Lumapit ako kay manong guard para itanong kung saan matatagpuan ang principals office.

" Ah kuya pwede po bang magtanong" sabi ko sa kanya

" Ginagawa mo ng magtanong" pambabara nya sakin. Luh si kuya parang tanga

" Sabi ko nga eh nagtatanong na ako" sabi ko sa kanya habang nagkakamot ng ulo. " ah kuya itatanong ko lang nasaan po ang principals office" tanong ko sa kanya na nagbabakasa kaling makakuha ng matinong sagot

"Ah yun lang ba bakit hindi mo agad sinabi" masayang sabi nya sakin. Pano ko kaya sasabihin sa kanya eh binara nya agad yung sasabihin ko.

" Dumiretso ka daang yan" turo nya kung nasaan ang flag pole " tapos sa pangatlong building pumasok ka don sa umakyat ka sa second floor tapos yung gitnang pitno dun mo makikita ang pake ko"

Sabi ni kuya sakin. Ginago ata ako ni manong guard eh. Nagtatanong ako ng maayos tapos kalokohan lang pala ang isasagot sakin.

" Aba ayos ka kuya ah suntukan nalang oh" sabi ko sa kanya habang nililihis ang aking damit papunta braso. Aba wag nya akong lolokohin makakatikim sya sakin

" HAHAHA " malakas na tawa ni manong guard sakin " joke lang ija hindi ka mabiro tama yung tinuro ko sayo palabiro lang talaga ako sige at magbubukas na yon mamaya marami ng students ang pupunta don kaya mas mainam na mauna kana" mahabang sabi nya sakin

"Nako buti nalang manong sinabi nyo agad sakin na biro yon dahil kung hindi baka nasapak na kita" sabi ko naman sa kanya " pero thank manong guard tatandaan na kita sumula ngayon babye po" masayang paalam ko sa kanya

Sinunod ko naman ang tinuro ni manong guard. Nandito na ako sa tapat ng office ng principal kaya kumatok agad ako ng tatlong beses at may narinig naman akong nagsalita ng come in kaya binuksan kona ang pinto at pumasok.

" Good morning po" naka ngiting bati ko babaeng nakatalikod sakin

" Oh have a sit miss" tanong nya sakin

" Amber Ross Collins po mam" masayang sabi ko sa kanya.

" ikaw yung tranferee " sabi nya sakin na hindi manlang ako tinitingnan

" Ah yes po ako nga po" sagot ko sa kanya" nandito po ako para kuhanin anh school uniform ko at malaman kung anong section po ako mam" sunod na sabi ko sa kanya

May binigay sya saking papel at isang susi
" Miss Collins nandyan ang section mo" turo nya sa papel na binigay nya sakin " At nasa locker mo naman ang uniform, bookes at iba pang kailangan mo" sabi nya sakin

Ang galing naman naka ready ang kailangan ko prepared na sila dito buti naman para hindi hassle. Magsasalita na sana ako para mag thank you ng may biglang kumatok at bumukas ang pinto.

"Good morning miss p nandito na po yung mga files na pinabibigay ni miss aberin" sabi nung babaeng kakapasok lang

" Okay put it down in my study table" sabi naman ni miss principal bata pa kasi sya siguro nasa 20s lang din sya 28 or 29 siguro.

" okay miss p" pagbaba nya ng mga files nag paalam na sya agad

" Ah thank you po mam" sabi ko miss principal at tumayo na. " Sige po mam alis na po ako thank you po ulit" pagpapaalam ko sa kanya at naglakad na papuntang pinto.

" Oh one more thing miss Collins please behave in this school wag kang gagawa ng ano mang gulo understand " huling sabi nya sakin na kinakaba ko. Anong akala nya sakin basagulera napaka judgementa naman nito. Tumango naman ako bago umalis.

UNKNOWN PERSON POV

Naka upo ako ngayon sa upuan ko at malalim ang iniisip dahil sa babaeng kausap ko kanina.

Feeling ko talaga masasangkot sya sa gulo dito. Pero mukha syang mabait na bata pero bakit ganon nalang ang pakiramdam ko sa batang yon. Hayss sumasakit lang ang ulo ko pag iniisip ko yon.

AMBER ROSS POV

Pag labas ko ng pinto hindi ko maiwasang isipin ang sinabi sakin ni miss principal. Mukha ba akong hindi gagawa ng matino yung pagmumukhang to hindi gagawa ng matino. Aba mukhang nagkakamali ata sya hindi pa ako nasasangkot sa gulo no edi pinatay ako ng mga kuya ko pag nangyari yon.

Hayss hayaan mo na nga. Naglakad na ako para hanapin ang room at section ko habang naglalakad nakita ko naman yung babaeng pumasok sa loob ng office kanina kaya tumakbo ako at nilapitan sya para magtanong  sa kanya.

"Miss" pag uumpisa ko. Lumingon naman sya sakin at itinuro ang sarili para makumpirma kung sya ba ang kinakausap ko.

" Miss itatanong ko lang sana kung saan ang building ng architecture dito" tanong ko sa kanya. At ipinakita ko ang papel na hawak ko

" New student ka?" tanong nya sakin tumango naman ako bilang sagot. Tiningnan naman nya yung papel at napangiti ng makita nya yon.

" Architecture 3A ka mag classmate tayong dalawa" masayang sabi nya sakin habang hawak ang kamay ko at nagtatatalon. Hala si ate feeling close naman. Tumigil naman sya ng makitang naiilang ako sa ginagawa nya.

" Ah eh sorry nadala lang ako ng tuwa by the way I'm Irene ,Irene Dizon" sabi nya sakin habang nakalahad ang kamay para makilag shake hands. Naiilang man ako pero nakipagshake hands din ako ang sama ko naman pag tinanggihan ko ang pakikipag shake hands nya.

" Im Amber Ross Collins but you can call me Ross" pagpapakilala ko din sa kanya. Ngumiti naman at nagbitaw na ang kamay namin.

" Okay Ross tara na malayo pa ang room natin dito baka malate tayo pag hindi pa tayo nagsimulang maglakad" sabi nya sakin at hinigit ang braso ko. Hala feeling close talaga tong si ate ghourl.

Naalala ko naman yung susi sa kamay hala dapat pala dumaan muna ako sa locker ko para makakuha ng mga libro sabi ko sa sarilo ko. Pero saan ko naman hahanapin yung locker room eh bago lang ako dito mamaya ko na nga iintindihin yon ang importante ngayon eh matandaan ko kung saan yung room ko.

Pero habang tinatandaan ko ang dinadaan namin nahihilo lang ako kasi ang daming nililikuan ank to iskwater anh peg. Daming likuan pano ko naman matatandaan agad pagrereklamo ko sa isip ko.

Pero ilang minuto lang ang lumipas pumasok kami sa isang building na may nakalagay na Architecture And Engineering  Building ah dito na pala yon pero ang laki ng building na to hanggang 5th floor sya at 12 classroom sa kada floor.

Umakyat kami ng 3rd floor at huminto kami sa pang 6 na pinto na may nakasulat na Architecture 3A so ito na ang classroom namin kinakabahan man pero pumasok kaming dalawa ni Irene sa loob nakita ko naman na konti palang ang classmates ko nakahinga naman ako ng malalim sa nakita ko.

Hinatak ako ni irene sa pinaka dulong upuan at tinulak alak ako sa tabi ng bintana

Dyan kana umupo para hindi ka mainip sabi nya sakin ngumiti lang ako bilang tugon. Ilang minuto pa ang lumipas ng dumami na ang tao sa loob ng room at dumating na ang teacher namin sa Architectural Interior na si mrs Padilla. At nagsimula ng mag klase

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now