CHAPTER 63

357 20 1
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 64

AMBER ROSS POV

Kinabukasan maaga kaming nagising dahil sa malakas na sigaw ni Eliott.

"ATE KO! ATE KO!" malakas na tawag nya kay Irene.

Agad syang nilapitan ni Mommy at niyakap ito. Mukhang napanaginipan nya ang nangyari sa kanila ng ate nya, dahil tumutulo ang luha nito habang nakapikit.

"ATE KO! ATE IRENE!" sigaw muli ni Eliott, umiyak na ito ngayon.

"Eliott" tawag ni Mommy sa natutulog na bata.

"Ate Irene ko!" medyo mahina nitong sabi. Nahihimasmasan na ito.

"Amboy get some water for Eliott" utos ni Mommy kay Dad. Sumunod naman ito agad at kumuha ng tubig, pinainom ito ni Dad ng dahan dahan.

Nang maging okay na si Eliott hiniga syang muli ni Mommy tinapik tapik ito para makatulog muli.

"Mukhang napanaginipan ni Eliott ang nangyari sa kanilang magkapatid" sabi ni Tobby.

"Mamaya lang gising na sya, kaya dapat bantayan nyo sya" sabi ni Mommy sa amin.

Uuwi na kasi sila ni Daddy para kumuha ng mga gamit at pagkain namin. Ayaw kasing nagsi uwi ng mga mokong, kaya napilitan sila Mommy na sila nalang ang uuwi. 1 week kaming excuse sa school dahil na rin sa nangyari sa amin. Tutal Ate naman ni Kendric ang Dean sa school namin, pumayag na 1 week kaming excuse. Pero nag eemail naman sila ng mga files na pwede naming pag aralan.

"Sige na, uuwi na kami" paalam ni Mommy sa amin.

Sumabay na din sila Kuya sa kanila dahil,for now on dito na sila magwowork. Dito. Na din sa Zamora Hospital magwowork si Kuya Brayden.

Nang makaalis na sila nilapitan ko si Eliott, natutulog ito pero humihikbi pa din. Hinaplos ko ang pisngi nya bago ko sya bigyan ng halik sa noo.

"Everything will be okay Eliott" mahina kong bulong sa kanya.

Dinako ko naman ang tingin ko kay Brent. Hindi nya talaga iniiwan si Irene mula kahapon, naawa na ako dito dahil palagi nalang syang umiiyak. Nilapitan ko si Brent at tinapik ang balikat nya.

"Okay kalang ba?" tanong ko sa kanya.

"Yeah" maikli nitong sagot bago ako bigyan ng pilit na ngiti.

"Gusto mo bang kumain? Ipaghahain kita?" tanong ko.

"I'm fine Amber, don't worry" sagot nya sa akin.

"KAMI NAGUGUTOM NA!" sabay sabay na sabi nila Jackson.

"Hindi ko kayo kausap!" mataray na sabi ko sa kanila.

"Ang sungit, pinaaalam lang naman namin sayo na nagugutom kami" sabi ni Yohan sa akin.

Siraulo talaga ang mga mokong na'to sipain ko sila dyan.

"Pag may kailangan ka tawagin molang ako?" sabi ko sa kanya, tumango ito sa akin bago ako maglakad papunta sa kinaroroonan ni Kendric.

"Hoy" tawag ko sa kanya, inaantok pa kasi Kendric dahil napuyat ko sya kagabi.

"Hmmm" mahinang tugon nito sa akin.

"Inaantok ka parin?" tanong ko sa kanya. Tumango lang ito sa akin. Tumabi ako sa kanya at yumakap, pinatong ko ang ulo ko sa dibdib nya. Ewan ko nagiging clingy na ata ako. Normal lang naman yon diba? Mag karelasyon naman kami kaya dedma lang. Naramdaman ko naman ang pagyakap nya pabalik sa akin. Tumingala ako para makita ko ang mukha nya. Nakapikit ito at halatang antok na antok.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now