CHAPTER 61

368 18 3
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 61

AMBER ROSS POV

Nagising ako dahil sa ingay ng paligid ko.

"Tangina bro ang sakit parin ng katawan ko hanggang ngayon!" reklamo ng isa sa mga boses

"Bro, ako nga gutom na gutom na! Nag reklamo ba ako?" sagot naman ng isang boses.

"Share mo lang?" sagot naman ng isa.

Dahan dahan kong minulat ang aking mga para makita kung kanino galing ang mga boses na nagtatalo.

"hmmmm" mahinang sabi ko. Agad naman silang natahimik ng marinig nila ako.

"OMG AMBER!" malakas na sigaw ni Ate Krishna, alam kong sya yon dahil sya lang naman ang mahilig magsabi ng OMG.

Agad naman nila akong nilapitan at pinalibutan. Alam kong nasa hospital kami dahil sa may oxygen sa gilid ko.

"Are you alright honey bunch?" bungad sakin ni Kendric na mukhang nag aalala.

"Inday! Pinag alala mo kaming masyado!" sabi naman sakin ni Brent.

"Buti naman gising kana" sabi naman ni Tobby.

"Okay naba ang pakiramdam mo?" tanong ni Jackson sakin.

"Akala namin hindi kana magigising!" sabi naman ni Hero.

"I'm happy cuz you're fine now" sabi naman ni Khen.

"Alam mo bang tatlong araw kana dyan?" sabi naman ni Yohan, nanlaki naman ang mata sa sinabi nya.

"What? Three days na ako dito?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yeah, masyado ka kasing napagod kaya napahaba ang tulog mo?" sagot naman ni Kuya Kristoff.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nila sa akin na tatlong araw na ako dito! Bakit feeling ko sandaling oras palang akong natutulog, bakit ganon? Hindi ko inakala na tatlong araw na pala akong nandito.

"Are you alright, Honey bunch?" tanong muli sa akin ni Kendric. Hindi ba sya nahihiya na tinatawag nya akong ganon?

"Yeah I'm fine now" sagot ko nalang para hindi na sya mag alala.

Maya maya pa bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan kami. At iniluwa non ang pamilya ko. Wow naman kumpleto sila kasama na din si Nana at si manong asiong.

Nagbigay naman sila ang daan para makalapit ang pamilya ko sa akin.

"Ang anak ko" umiiyak na sabi ni Mommy bago ako yakapin. "Masay ako dahil gising kana" sabi nito sa akin.

Sumunod namang yumakap sa akin ang mga kuya ko. Parang walang nangyari ah balik nanaman sila sa pagiging seryoso.

"Sorry for what happened 3 days ago" paghingi nila ng tawad sa akin.

"It's alright mga kuya, I forget it already. Let's move on, ang mahala okay tayong lahat" sagot ko sa kanila. Lalo naman nila akong niyakap na mahigpit dahil sa sinabi ko.

Sumunod naman na yumakap sa akin sila Nana at si Manong asiong, binaba muna nila ang dala nilang mga pagkain bago lumapit sa akin.

"Jusko, ang alaga namin gising na" mangiyak ngiyak na sabi ni Nana.

"Ang drama mo Nana" biro ko sa kanya.

"Namiss ka namin" sabi naman ni Manong ngumiti naman ako sa kanya bilang sagot.

Humiwalay naman sila sa akin at binigyan ng daan si Daddy na pinagmamasdan ako kanina, dahan dahan itong lumapit sa akin para yakapin ako. Yayakapin ko na sana si Dad ng bigla nya akong batukan ng malakas.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now