CHAPTER 48

353 19 0
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

C H A P T E R 48

AMBER ROSS POV

Habang nasa sasakyan ni kuya Treyton ko lubos maisip kung bakit ganon na lamang ang galit nya sakin, bakit kailangan pa nyang idamay ang mga kaibigan ko sa galit na nararamdaman nya sakin.

"Pagdating na pagdating natin sa bahay na tinutuluyan mo mag impake kana agad" sabi ni kuya sakin napatingin naman ako sa kanya seryoso ang mukha nya mukhang hindi na magbabago ang isip nya,pagsinabi nya final na yon wala ka ng magagawa pa.

"Pero kuya" pagrereklamo ko sa kanya malay nyo naman tumalab diba.

"Wala ng pero pero Amber pagsinabi kong mag impake ka mag iimpake ka" inis na sabi ni kuya sakin bakit ba kailangan nyang magalit sakin.

"Ano ba kasing dahilan nyo kuya,bakit gusto nyo akong umalis don?" takang tanong ko sa kanya.

"Wala ka ng pakialam don Amber" sabi sakin ni kuya hindi ko naman maiwasan na hindi mainis sa sagot ni kuya sakin.

"Bakit wala akong pakialam kuya? Buhay ko ang pinakikialaman nyo?"inis na sabi ko kay Kuya Treyton agad naman nyang pinreno ang saksakyan, muntik na akong mangudngod dahil sa ginawa nya buti nalang naka seatbelt ako. Agad naman nya akong tiningnan ng masama bago magsalita.

"Alam mo Amber kung bakit namin ginagawa to" pasimula ni kuya ng sasabihin nya.

"Alam ko naman yon kuya gusto nyo lang akong protektahan pero kuya sumosobra naman na kayo" sabi ko sa kanya habang tinitingnan sya sa mata.

"Sobra? Anong sobra don Amber? Ang gusto lang namin maging safe ka! Bakit kilala mo ng lubusan ang mga kasama mo? Kilala mo ba kung saang pamilya sila nanggaling? At kung sa tingin mo sumosobra kami pwes think twice na sobra na pala ang ginagawa namin! Pasensya na ha mahal kalang kasi namin!" naiinis na sabi ni kuya.

Bigla tuloy akong naawa sa sinabi ni kuya simula nung bata ako pinoprotektahan na nila ako,bakit ba hindi na ako nasanay sa ginagawa nila ngayon. Nagsimula na muling mag drive si kuya

"Akala mo ba madali para samin ang gagawin namin sayo? Hindi dahil alam naming may sarili ka ng isip at kaya mo na ang sarili mo! Pero Amber hindi mo din kami masisisi na hindi matakot, hindi mo alam pwede kang mapahamak ano mang oras" sabi nya sakin habang nakatingin sa daan

Hindi naman ako makasagot dahil natatakot din ako sa ano mang pwedeng mangyari sakin, naiinis ako sa sarili ko bakit ba hindi ko manlang naisip yon sa simula palang. Bakit ba ako naging close sa kanila kahit hindi naman pala dapat. Pero kahit ilang buwan palang na kasama sila hindi ko maitatanggi na naging masaya ako kasama sila. Hindi ko maisip na dumating ang isang araw na wala sila? Walang kulitan walang inisan at walang tawanan na kasama sila. Nalulungkot ko habang iniisip ang mga bagay na yon.

Ilang minuto pa ang lumipas ng makarating kami sa bahay. Nagtataka pa nga ako kung pano nalaman ni kuya kung saan ako nakatira. Pumasok naman kami agad sa loob at naupo muna sa sofa habang hinihintay ang iba.

"Pack all your things now Amber ako ng bahalang maghintay sa kanila" sabi ni kuya sakin

"Pero kuya ayokong umalis" sabi ko sa kanya

"Ano ba Amber mag aaway nanaman ba tayo?" tanong nya sakin

"Pero kuya" pagdadahilan ko sa kanya

"Anong gusto mo Amber, sasama ka samin o si daddy ang susundo sayo dito paalis sa lugar na ito!" pananakot sakin ni kuya

"Kung ayaw mong sumama samin Fine, pero wag kang magmamakaawa samin ng mga kuya mo kung dadalhin ka ni daddy sa ibang bansa at hindi kana makabalik dito, dahil sa oras na mangyari yon hinding hindi ka namin tutulungan!" galit na sabi sakin ni kuya.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now