CHAPTER 67

345 14 3
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 67

YOHAN POV

Naglilinis kami ngayon dahil sobrang dumi na ng bahay, mula ng umalis si Ross sa bahay hindi pa kami naglilinis. Dahil wala naman kaming gagawin ngayon napagpasyahan naming maglinis.

Kanya-kanya kaming toka sa paglilinis, si Khen at Brent sa kusina, Ako at si Tobby naman sa kwarto ng lahat, habang sa cr naman sila Jackson at Hero. Kaming lahat naman ang maglilinis ng living room.

Sobrang nakakapagod maglinis ng bahay, lalo na't sobrang laki ng bahay namin. Hindi naman umuwi si Kendric ngayon. Mula ng may tumawag sa kanya kahapon hindi na sya bumalik pa, hindi manlang sya nagpaalam kung nasaan sya at kung anong ginagawa nya. Pero hinayaan lang namin sya dahil uuw din naman ito.

"Nagugutom na ako" pagpaparinig ni Brent.

"Kami rin naman nagugutom din!" sabi naman ni Hero.

"Wala bang may balak na magluto?" tanong ni Khen.

"Ako gusto kong magluto?" presinta ni Tobby.

Nanlaki naman ang mata naming lahat sa sinabi nito.

"NO!" sabay-sabay naming pagtutol dahil sa kagustuhan nitong magluto.

"Kailangan sabay-sabay kayo? Kung makatutol kayo parang mamatay kayo sa luto ko!" reklamo ni Tobby sa amin.

"Bakit hindi ba? Last time na nagluto ka muntik na kaming mahospital" Sabi ni Brent

"Ang sarap kaya ng luto ko that time" Masayang sabi ni Tobby proud na proud pa ito sa sarili.

"Anong masarap don? Sobrang alat? Anong akala mo sa amin hindi magkakasakit sa bato?" reklamo ko naman sa kanya.

"Akala siguro ni Tobby hindi tayo magkakasakit sa bato." sabi ni Jackson.

"Wow feeling perfect? Akala nyo naman magagaling kayong magluto? Halos pare-parehas lang naman tayong palpak magluto" reklamo din nito sa amin.

"HAHAHAHA" nagtawanan naman kaming lahat dahil totoo ang sinabi nya. Lahat kasi kami ay palpak magluto, pwera lang kay Brent dahil natuto na itong magluto sa tulong ni Amber.

"Nagpadeliver nalang tayo ng pagkain pagtapos nating maglinis" suggest naman ni Tobby.

"Good idea, pero saan natin kukunin ang pambayad?" tanong ko sa kanya.

"Don't worry ako ng bahalang magbayad sa kahit na anong oorderin nyo" mayabang na sabi ni Jackson.

"Ay ang taray ang daming pera?" pang-aasar namin sa kanya.

"Aba syempre naman mayaman ata ako" sabi ni Jackson sabay pag-pag ng balikat nya.

"Don't tell me-" hindi na natapos ni Brent ang sasabihin nito dahil nilabas na ni Jackson ang credit card nya.

"Oh My God!" sabay-sabay naming sabi dahil nasa kanya na ang card nya.

Tumakbo naman kami papalipit sa kanya at niyakap sya. Sobrang saya namin para sa kanya dahil nakuha nya na ulit ang card nya.

"Congrats Bro" sabi ni Hero sa kanya.

"Ang lakas mo" pang-aasar ni Khen.

"But how did you get it?" tanong ni Tobby sa kanya.

"Kuya Jack talked to my parents, and they gave it to me" masayang sabi nito.

"Iba talaga si Kuya Jack, sana kami din hahaha" biro ni Brent.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now