CHAPTER 26

459 21 1
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 26

AMBER ROSS POV

Isang linggo ang lumipas at masaya naman kaming lahat okay naman ang pakikitungo nila sakin pwera lang kay kendric na walang ginagawa kundi magsungit.

Araw ng sabado ngayon at may lakad kami ni irene ngayon mamamasyal kaming dalawa pero kamalas malasan lang dahil natugan ni brent na may lakad kami ngayon kaya ang mokong walang ibang ginawa kundi kulitin ako na payagan ko syang sumama pumayag naman ako kasi napaka kulit nya. Sabi ko naman 1 aalis na kami kaya magbihis na sya ginawa naman nya yon.

Nakaharap ako ngayon sa salamin at tinitingnan ang sarili naka suot ako ngayon ng denim na palda above the knee and crop top na sando and then kumuha na din ako ng denim jacket, at kumuha din ako ng isang pares ng gucci shoes bumagay naman sakin kaya okay na ako dito.

Kinuha kona na ang black na sling bag ko at itim na cap sinuot kona to sa ulo ko at lumabas na ng kwarto pagbaba ko sa hagdan nakita ko naman ang mga mokong mukhang may pupuntahan kasi lahat sila naka porma.

"Anong meron san kayo pupunta" tanong ko sa kanila.

"Mamamasyal din kami" sabi ni yohan sakin

"Talaga saan naman" tanong ko ulit sa kanila

"Kung saan kayo pupunta dun din kami" sabi naman ni khen

"Huh ano bang pinagsasabi mo" tanong ko sa kanya

"Ah eh ganito kasi yon ross na kwento ko kasi sa kanila na may lakad tayo hindi ko napigilan ang excitement ko ayon nadaldal ko sa kanila" pagpapaliwanag sakin ni brent.

"What napaka daldal mo talaga brent sapilitan ka nga lang sasama tapos kinwento po sa iba" sabi ko sa kanya.

"Sorry naman excited lang kasi ako" paliwanag sakin ni brent.

"Sige lang okay lang samin na hindi mo kami isama" sabi ni jackson

Okay lang na dito kami sa bahay" hero

"Kahit mahirap tatanggapin namin" khen

"Sayang naman tong effort nating magbihis tapos hindi naman pala tayo isasama" sabi naman ni yohan

"Sana makonsensya ka sa pag iwan mo samin" sabi ni tobby hala pati sya.

Tumingin naman ako kay kendric.

"What" takang tanong nya sakin

"Baka may sasabihin ka din baka gusto mo din akong konsesyahin tulad ng ginagawa ng mga kaibigan mo" sabi ko sa kanya. Pero hindi naman nya ako pinansin.

"Tara magpalit na tayo ng damit" malungkot na sabi ni Jackson

Talaga naman napaka gagaling nilang mag paawa talagang kinokonsensya pa nila ako sa hindi nila pagsama grabe talaga sila ito naman kasing si brent sya na nga lang sinama ko nag aya pa ng katulad nyang pasaway pag minamalas kanga naman.

"Fine pwede na kayong sumama pero wag nyong pasasakitin ang ulo matatanda na kayo kaya please lang kahit ngayong araw lang magkabait kayo" pakiusap ko sa kanila

"Masusunod sir" sabi naman nila na nagsitakbuhan na sa labas naiwan naman si kendric at tobby sa loob kasama ko.

"Oh anong problema nyo bakit nandito pa kayo" tanong ko sa kanila

"Wala lang" sabay nilang sabi

"Tsk parehas kayong abnormal" sabi ko sa kanila tsaka sila nilagpasan. Ano naman problema ng dalawang yon.

Paglabas ko nakita ko naman na sobrang excited nilang umalis para silang mga bata na ngayon lang makakalibot napa ngiti naman ako pagnakikita ko silang ganito.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now