CHAPTER 60

361 17 1
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 60

AMBER ROSS POV

Kasalukayan parin akong umiiyak at pinililit na gisingin si Kendric, pero hindi pa din ito dumidilat.

Patay na rin si Daryl dahil pinagbabaril sya ni Kuya Treyton, Kuya Aziel at si Dad. Sa sobrang galit nila dito, hindinna nila ito binuhay pa.

"Kendric naman eh, gumising ka naman please lang!" pagmamakaawa ko sa kanya. Dahil kanina pa ako umiiyak pero hindi parin sya nagigising.

Nanghihina na ako sa sobrang pagod, pero hindi parin ako sumusuko para gisingin ang walang buhay na si Kendric.

"Amber!" tawag sakin na kung sino. Pero hindi ko ito pinapansin dahil busy ako

"Amber!" alam kong si Daddy na ang tumatawag sakin, pero hindi ko pa din ito pinapansin.

"Amber ano ba!" si Kuya Treyton yon alam ko, dahil kilalang kilala kona ang boses nya.

"Inday tumayo kana, ganyan talaga ang buhay." sabi ni Brent pero hindi ko padin sila pinapansin.

"Please lang, iwan nyo muna ako!" pakiusap ko sa kanila dahil gusto ko muna magpag isa ngayon.

Naramdaman ko namang tinapik nila ang likod ko, bago nila ako iwan kasama ang walang buhay na si Kendric.

Nang makaalis na sila, pinagmasdan kong muli si Kendric sa huling pagkakataon.

"Napaka daya mo? Kung mamatay karin naman pala dahil sa ginawa mong pagligtas sakin! Dapat hindi mona ginawa, dapat hinayaan mo nalang akong mamatay dito! Nakakainis ka naman eh! Sabi mo sabay tayong lalabas sa lugar na ito, sabay nga tayong lalabas pero wala ka namang buhay! Napaka unfair mo! Hindi ka sana tanggapin sa langit." umiiyak na sabi ko sa kanya. Alam kong hindi naman nya ako naririnig pero gusto ko lang ilabas lahat ng sama ng loob ko, sa ginawa nyang pag iwan sakin!

"Alam mo Kendric, kung kaylan gusto na kita at alam ko sa sarili ko na mahal kita, bigla ka namang kinuha sakin ni Lord! Ang sakit Kendric ang sakit sakit!" sabay hampas sa kanya wala naman din syang mararamdaman dahil patay na sya kaya keri lang na saktan ko sya.

Tumalikod ako sa kanya para ilabas lahat ng luha ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Siraulo naman kasi tong si Kendric hindi manlang iningatan ang sarili yan tuloy nadedo sya ng wala sa oras. Magiging matandang dalaga naba ako?

Nanatili padin akong naka upo at nakatalikod kay Kendric, bumibigat na rin ang talukap ng mga mata, mukhang bibigay na ang katawan ko ano mang oras.

"I love you Kendric" mahinang sabi ko, sabay ng pagtulo ng mga luha ko.

Nagulat naman ng may biglang yumakap sakin mula sa likod.

"I love you too, honey bunch" nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses na yon.

Agad akong lumingon sa nakayakap sakin ngayon. At nakita ko si Kendric na naka ngiti sa akin.

"Kendric?" sabi ko sa kanya, "Hayop ka akala ko patay kana!" sabi ko sa kanya sabay sundok sa kanya.

"Ouch, Amber masakit!" reklamo nito sa akin.

"Masasaktan ka talaga saking hayop ka! Akala ko patay kana tapos ito ka ngayon pangiti ngiti sakin!" sabi ko sa kanya habang umiiyak.

"Shhhh, sorry na, nagpapahinga lang naman kasi ako, dahil napagod ako. Ikaw lang tong nag iiyak dahil akala mo patay na ako!" reklamo nito sa akin.

"Masisisi mo ba ako? Ano bang malay ko na nagpapahinga kalang pala? Tingnan mo nga sobrang dami ng dugo dyan sa damit mo! Tapos sabay pa kayong natumba ni Daryl, kaya akala ko patay kana!" paliwanag ko naman sa kanya.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now