CHAPTER 65

453 20 3
                                    

LIVING WITH 7 JERKS

CHAPTER 65

IRENE POV

Nakaupo na ako ngayon pero hindi pa din ako makapaniwala sa pamilya na kami nila Amber. Gusto ko sanang kausapin ang magulang ni Amber pero busy na ito sa pakikipag usap sa mga bisita nila.

"Are you alright?" tanong ni Brent sa akin sabay abot ng tubig.

"No, I'm not" maikli kong sagot. Totoo naman ang sinabi ko, hindi ako okay dahil sa nangyayari sa akin. Nandon na nga ako sa puntong masaya ako, pero mahirap pading paniwalaan na nangyayari ang mga bagay na ito sa amin.

Sobrang daming tao ngayon dito sa bahay ni Amber, halos lahat sila galing sa mayayamang pamilya. Hinawakan ni Brent ang kamay at tinignan ako sa mga mata.

"You don't need to worry Irene." naka ngiti nyang sabi sa akin.

Ano pa nga bang gagawin ko diba? Siguro mamaya ko nalang kakausapin ang mga magulang ni Amber pagtapos ng party na ito.

"Maiba nga ako? Bakit ganyan ang suot mo?" nakataas ang kilay na tanong da akin ni Brent.

Napatingin naman ako sa suot ko at napakamot ng ulo.

"Si Amber kasi-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalit ang mga mokong mula sa likod namin.

"Hoy Mareng Irene congrats" sabi ni Khen sa akin habang kumakain.

"Dadalaw ako araw-araw ha, para libre pagkain ko" biro namang sabi ni Yohan.

Patay gutom talaga ang mga baliw na to.

"Pang malakasan na tayo!" biro din na sabi ni Hero.

"Basta manlilibre ka sa school ha?" sabi naman ni Jackson.

Alam nyo ang yayaman ng mga to, tapos mga patay gutom naman!

"Don't forget to ready yourself" sabi naman ni Tobby sa akin habang nakatingin sa malayo.

"For what?" tanong ko sa kanya

"Remember maraming judgemental sa school alam kong huhusgahan ka nila kaya, palakasin mona ang loob mo!" walang emosyon na sabi ni Tobby.

"Hala sya, Bro wag mo namang takutin si Irene" pagsuway ni Jackson sa kanya.

"Mas okay ng alam nya ang mangyayari sa kanya, kasya magulat nalang sya na pinagchichismisan na pala ang buhay nya" sabi ni Tobby na ngayon ay nakatingin na sa akin.

Tama sya, dapat ihanda kona ang sarili ko sa lunes. Alam kong hindi nila ako titigilan kakahusga kaya naman mas mabuti ng handa ako. Magbabaon din mga banat para makasagot ako sa kanila. Kung balak din nila akong saktan hindi ko sila uurungan!

"Alam mo wala kang dapat ipag-alala dahil nandito naman kami, Hindi ka namin papabayaan " sabi ni Brent sa akin.

Hindi naman pwedeng palagi nalang akong aasa sa kanila! Kailangan ko ding lumaban para sa sarili ko.

Umalis naman na ang mga mokong dahil maghahanap daw sila ng isasayaw. Sayang daw kasi ang gabing ito kung wala manlang daw silang maloloko.

Patay talaga ang mga ito pagnalaman nila Eunice ang ginagawa nilang kalokohan.

Tumayo naman si Brent harapan ko at inilahad nito ang kamay nya.

"Pwede ba kitang maisayaw magandang binibini?" tanong ni Brent sa akin. Nakangiti ito sa akin habang hinihintay ang sagot ko.

"Oo naman" masayang kong sagot. Minsan lang naman ito sa buhay namin kaya susulitin kona.

Now Playing.

LIVING WITH 7 JERKS (On Going) Where stories live. Discover now