Chapter 22

62 1 0
                                    

Chapter 22

Hades Pov.

Kumatok muna ako sa pinto bago buksan ang kwarto ni Siera. Nakadapa siya sa kama niya at parang bata na humihikbi dahil pinagalitan ng nanay niya.

Sinara ko ang pinto at tuluyan ng lumapit sa kaniya, umupo ako sa tabi niya at bumuntong hininga.

"Love." turan ko at hinaplos ang buhok niya.

"Wag mo kong kausapin, Hades." galit na pagkakasabi niya at tinabig ang kamay ko.

"Love." tawag ko ulit sa kaniya.

"Sabing wag mo akong kausapin eh." umiiyak na usal niya.

Hindi na ako nagsalita at pinagmasdan ko nalang siya.

"Bakit hindi mo ako kinakausap?" tanong niya saka bumaling sakin.

Sabi mo wag kitang kausapin? Gusto kong tumawa pero wag nalang.

"S-sorry na love. Yeah, nagsinungaling nga ako pero gusto ko lang naman na makasama ka. I don't care about the taste of the food as long as you are sitting beside me, Siera."

"Hurt me with the truth but don't comfort me with a lie." bulalas niya at pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi niya at saka umupo.

"I know, that why i said sorry. Please forgive me."

"Basta huwag mo ng uulitin yun ah?" nakangusong tanong niya.

"Of course, hinding hindi na."

Napatingin ako sa labi niya dahil sa haba ng pagkakanguso nito. Paano niya nagagawang maging maganda pagkatapos umiyak?

"Can i kiss your lips, love?" wala sa sariling tanong ko kaya agad siyang napatingin sakin.

"Gagawa ulit tayo ng baby?" masiglang tanong niya.

Damn! Bakit napakainosente ng babaeng 'to.

"Gusto mo ba? I can be more wild right now, love."

"Wild? Hayop ka ba? Hehe hayop lang kasi ang wild, love."

Hindi na ako tumugon sa sinabi niya at agad siyang hinila palapit sakin at siniil ng halik ang labi niya. Gusto kong tumawa sa paraan ng paghalik niya dahil halatang halata na wala siyang alam kung paano gawin yun. Nagsimula ng lumandas ang kamay ko papasok sa loob ng damit niya. Marahan ko siyang hiniga sa kama na hindi man lang pinuputol ang halik naming dalawa.

"Boss— ow shit bold."

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa biglaang pagbukas ni Calix ng pinto.

"Bullshit, Alvarez. Anong ginagawa mo rito?" may diin kong tanong sa kaniya.

Gustong gusto ko na siyang patakbuhin at habulin ng bala ko. Bwesit.

"May sasabihin lang sana ako hehe, sige mamaya nalang tuloy niyo na yan." nakangiting sabi niya  saka lumabas at dahan dahang sinara ang pinto.

"Sa susunod nalang tayo gumawa ng baby, Hades. Nagugutom na ako." nakangusong sabi ni Siera kaya agad akong tumingin sa kaniya at bumuntong hininga. Putangina ang sakit ng puson ko.

"Sige, mauna kana sa baba at susunod ako." nakangiting tugon ko sa kaniya at mabilis siyang hinalikan sa labi.

Pagkalabas niya ng kwarto ay dali dali akong tumakbo sa loob ng banyo at nagsarili nalang.

Hayop ka Alvarez! Nag aksaya ako ng panganay dahil sayo.

That's My Wife!Where stories live. Discover now