Chapter 35

45 0 0
                                    


Calix Pov.

"Where's my wife? Fuck Calix! Where's my wife?" naghehesterekal na tanong ni Hades.

"H-hindi ko alam, magkasama sila ni Samantha kanina at ngayon pati si Samantha ay hindi ko rin mahanap." tugon ko at napahilamos sa dalawang palad ko.

"H-hindi ko alam kung anong gagawin ko Calix. Nasaan na ang asawa ko?" nanghihina na bulalas ni Hades at napaupo sa isang upuan.

"Umuwi muna tayo. Naghihintay ang parents ni Siera sa bahay niyo Hades." turan ni Mary pagkarating niya sa gawi namin.

Bumuntong hininga si Hades at nanghihinang napatayo at naglakad palabas sa venue na parang wala sa sarili niya.

***

Pagkarating namin sa bahay ni Hades ay agad na tumayo ang magulang ni Siera.

Agad na kumunot ang noo ni Sebastian ng makitang hindi namin kasama ang anak niya.

"Where's my daughter?" agad na tanong niya pagkarating.

Pero nanatili kaming tahimik ni Hades, nakayuko kaming pareho at nakatingin sa sahig na animo'y may mahihita kaming sagot doon.

"Where's Siera and Samantha?" tanong naman ng Mommy ni Siera.

"K-kinuha sila." lakas loob kong sagot.

Nanghihinang napaluhod bigla si Hades sa sahig pagkatapos kong sabihin yun.

"I am sorry, this is all my fault. Naging pabaya ako." naiiyak na usal niya habang nakayuko.

"Stand up, Montreal." maawtoridad na utos ng daddy ni Siera.

Agad na lumapit si Uncle Ben sa gawi ni Hades at tinulungan siyang tumayo.

"Hindi ikaw ang may kasalanan kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Pakalmahin mo ang sarili mo at umayos ka, Montreal. Pangalawa ka sa may pinakamataas na posisyon sa organisasyon at asawa mo ang anak ko kaya wala kang karapatang gumanyan sa harap ko." dagdag pa ng daddy ni Siera.

Agad na bumuntong hininga si Hades at pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi niya.

"Kailangan nating makita si Siera at Samantha." seryosong sabi ni Hades.

"Wag muna, hindi nila kikidnappin si Siera at Samantha para lang sa wala. Hihintayin nating tumawag siya at hingin ang kagustuhan niya." kalmadong sabi ng daddy ni Siera.

"Pero dad? Baka mapahamak ang asawa ko at si Samantha kapag pinatagal pa natin."

"Hades, delikado ang sitwasyon ngayon at mas magiging delikado kapag galaw lang tayo nang galaw at walang plano."

"Paano kung saktan nila si Siera at Samantha?"

"Mas nag aalala ako sa kanila kapag hindi nila tinali ang anak ko, Hades."

Paano niya nagagawang sabihin yun? Ganon na ba ka laki ang tiwala niya para sa anak niya? O sadyang minaliit lang namin ang kakayahan ni Siera dahil sa personalidad niya?

Lahat kami ay napatingin sa pinto ng biglang magbukas ito. Iniluwa nun si Mary at sa likuran niya ay si.....

"Crizanta?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Agad yumuko si Crizanta para magbigay galang sa parents ni Siera.

"Crizanta Fontonalgo, anong nagdala sayo rito?" agad na tanong ng mommy ni Siera.

Agad na tumingin sa kanila si Crizanta at biglang lumuhod na ikinagulat ng lahat.

"Alam ko kung nasaan si Siera at Samantha." turan niya at biglang yumuko.

"Nasaan sila?" agad na tanong ni Hades.

"Kinuha sila ni Enrico Vinture. Dinala sila sa lumang building na pagmamay ari ni Daddy." nanatili siyang nakayuko habang sinasabi yun.

"Kung kasama ang daddy mo sa planong 'to bakit mo sinasabi sa amin 'to?" tanong naman ng daddy ni Siera.

"Nasa Mafia Organization parin ang loob ko kahit may alitan kami ni Siera. Sa mga oras na 'to ayokong masira ang lahat ng pinaghirapan ng mommy ko."

"Samahan mo kami pupuntahan natin ang lugar na sinasabi mo." tiim bagang na sabi ni Hades.

"Hindi pwede." mabilis na tugon ni Criza.

Napasinghal sa inis si Hades at masamang tiningnan si Criza na ngayon ay nakayuko parin.

"Akong mag isa ang pupunta ron." dagdag ni Criza at tumingin sa aming lahat.

"Ibabalik ko si Siera at Samantha dito ng buhay." dugtong niya pa.

"At bakit kami magtitiwala sayo?" hindi ko mapigilang itanong.

"Hindi niyo kailangang magtiwala ang kailangan niyo lang gawin ay maniwala na ibabalik ko ang heiress at si Samantha. Kapag sinugod niyo sila ron pwedeng mapahamak ang dalawa. Hindi basta basta hahayaan ni Enrico na may makalabas sa oras na may makapasok na bisitang hindi niya gusto." diretsong sagot ni Criza.

"Kung ganon, gawin mo. Ibalik mo ang heiress natin at ang kanang kamay niya." maawtoridad na sabi ng daddy ni Siera.

Tumayo si Criza mula sa pagkakaluhod at nagbigay galang muna bago tumalikod. Bago pa siya makalabas sa pinto ay pinigilan siya ni Hades.

"Sa oras na may mangyaring masama kay Siera at Samantha lalo na sa anak ko, papatayin kita Crizanta."

Bakas sa mukha ni Criza ang pagkagulat dahil sa sinabi ni Hades pero agad siyang ngumiti at tumango.

That's My Wife!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt