Chapter 15

70 3 0
                                    

Chapter 15

Siera Pov.

Nagpumilit akong sumama sa party na gaganapin sa bahay nila Criza. Imbitado ako kaya kailangan kong sumama, sila Calix at Hades lang naman ang may ayaw akong isama sa party. Sinama ko narin si Sam para may kasama ako kung in case maiwan akong nag iisa sa table.

"You look gorgeous, Siera." puri sakin ni Sam pagkapasok niya sa kwarto ko.

"Ikaw rin naman eh."

"Syempre magkaibigan tayo eh. Tara na sa baba naghihintay na yung asawa mo at future asawa ko." sabi niya habang kinikilig pa.

Nagkakilala si Sam at Calix kahapon at simula kahapon hindi na nilubayan ni Sam si Calix.

Simple lang ang suot ko ngayong gabi, black roberto cavalli gown at five inches black heels. Naglagay rin ako ng manipis na make up at hindi gaanong mapulang lipstick. Nanatili namang nakalugay ang maitim at mahaba kong buhok.

"Wow, you look elegant with your gown Siera." puri sakin ni Calix.

'Thanks Cal." tipid na tugon ko.

"Ako Calix hindi mo pupuriin?" nakangusong tanong naman ni Sam.

"You look okay Sam."

"Okay lang? Samantalang kay Siera elegant with her gown tapos ako okay lang?"

"You look better nalang." natatawang sabi ni Calix kay Sam at inakay niya na ito papasok sa loob ng sasakyan nila.

"Mauna na kami." paalam ni Calix at umalis na sila.

"Let's go." nakangiting yaya sakin ni Hades agad naman akong tumango at ngumiti rin.

"You look so beautiful." bulalas niya bago ako makapasok sa loob ng sasakyan.

Fast forward...

Pagkarating namin sa bahay ni Criza ay agad na hinanap ng mata ko si Samantha. Si Hades naman ay nagpaalam na pupunta muna sa mga ka business partner niya. Sa ilang minuto kong paghahanap kay Sam ay nakita ko siya sa isang mesa sa pinakaharapan kaya agad akong tumungo sa gawi niya.

"Grabe, bongga pala talaga 'tong Criza na 'to bes." bulalas ni Sam habang nililibot ang mata niya sa kabuuan ng bahay ni Criza.

"Tama ka, kaya nga bagay sila ni Hades eh." tugon ko naman at mapaklang tumawa.

"Sa pagkakaalam ko tanga ka pero hindi ka martir, Siera. Pinagtutulakan mo yung asawa mo sa ibang babae gaga ka. Dapat pinaglalaban mo yung asawa mo at hindi pinamimigay." mahinang singhal sakin ni Sam kaya agad akong napatingin sa kaniya.

"Eh anong gagawin ko?"

"Kapag nakita mong dumikit ang Criza na yun sa asawa mo sampalin mo, tadyakan mo, suntukin mo, sipain mo, bugbugin mo, saktan mo, ganon."

"Kapag ginawa ko yun si Hades ang masasaktan dahil mahal niya si Criza." nakayukong sabi ko at bumuntong hininga.

"Eh ikaw ano ka niya? Asawa lang ganon?"

"Oo, asawa niya lang ako. Mag asawa lang kami pero hindi niya ako mahal."

"Pero mahal mo siya, sapat na ang salitang mahal mo siya para ipaglaban si Hades, Siera. Kung mahal mo siya huwag mo siyang hahayaan na mapunta sa iba."

"Kung mahal mo ang isang tao hahayaan mo siya maging masaya even that happiness doesn't include you. I am just his wife, but i am not the woman inside his heart. I have many reason to fight my feelings towards him but i have one reason to don't. I love him but he doesn't love me at ang nag iisang rason para hindi ko ipaglaban ang nararamdaman ko sa kaniya yun ay ayaw kong ipagkait sa kaniya ang karapatang sumaya. I am not his first and of course i am not his last. It is always criza and not me, Samantha." mahabang lintaya ko at kinuha ang isang wine glass na may lamang alak at nilagok yun.

"I am speechless, nawala ata yung t*ngang Siera na kilala ko noon. Sa sinabi mo parang nagmature kana."

"I am not, i just learned to love and learning to let go, Sam. I am still the old me, the st'pid Siera."

Hindi na nakapagsalita si Sam ng biglang nagfocus ang spotlight sa hagdan.

"Ladies and gentlemen, may i introduce to you the most sexy, beautiful and gorgeous lady that i ever known, Crizanta Davis."

That's My Wife!Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum