Chapter 39

80 3 0
                                    


Sam Pov.

Nagising ang diwa ko dahil sa hagulhol na naririnig ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at tiningnan kung sino yung iyak nang iyak sa tabi ko.

"T-tangina Siera, kung umiyak ka akala mo naman lamay ko na." nahihirapang turan ko at bahagyang tumawa.

"Sam? Sam nabuhay ka." masayang usal niya habang pinupunasan ang luha sa pisingi niya at tumakbo palabas ng kwarto ko.

Bakit namatay ba ako? Bwesit talaga yun.

Pagbalik niya ay kasama niya na si Hades at Calix. Prente lang umupo si Hades at Calix sa sofa habang hindi naman magkamayaw si Siera sa pagdadaldal.

"Ilang araw ba akong tulog?" tanong ko.

"Dalawang araw Sam hihi." tugon naman ni Siera.

"Dalawang araw lang? Ang bilis naman." nakangusong sabi ko.

"Ilang araw mo ba gustong matulog, Sam?" nakanguso ring tanong ni Siera.

"Isang taon hanggang sa makalimutan ko ang unggoy na yan." sagot ko at tinuro si Calix.

"Anak ka ng? Sinong unggoy?" agad namang protesta ni Calix.

"Ikaw, sayo ako nakaturo diba?"

"Hoy loka loka, itong unggoy na 'to ay nag alala rin sayo." singhal niya sakin habang nakaturo sa sarili niya.

Ibig sabihin nag alala siya sakin?

"N-nag alala ka sakin?" taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Syempre, nag alala ako sayo dahil wala akong maibigay na abuloy kapag namatay ka."

Agad sumama ang mukha ko dahil sa sagot niyang yun.

"Tangina ka! Kapag namatay ako wag ka nalang makiramay at kahit uminom ng kape sa lamay ko wag na wag mong gagawin kung ayaw mong multuhin kita buong buhay m- a-ah aray!"

Napangiwi ako dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko sa tagiliran ko.

"A-ano ba? Magdahan dahan ka nga, baka bumuka yang tahi mo. Kahit kailan talaga ang careless mo." saway sakin ni Calix at pinagkrus ang dalawang braso niya.

"Ayokong isipin na nag aalala ka na naman kaya sinasabi mo yan." pasiring kong sabi.

"He's the most happy person after he heard your success operation." turan naman ni Hades habang nakangising nakatingin kay Calix.

BWAHAHAHAHA HULI KA NGAYON BALBON.

"Hoy Montreal fake news yan." asik naman ni Calix.

Sige, deny pa Calix Alvarez.

"Totoo yun Sam, gusto niya pa nga magpaparty nong nalasing siya kagabi. Tapos sabi niya 'Samantha Deogracia i got you, court me now'.'' gatong din ni Siera at ginaya pa ang boses ni Calix.

"Hoy kayong mag asawa napakasinungaling niyo. Hindi totoo yun oy. Tanga lang maniniwala sa inyo." depensa parin ni Calix.

"I don't lie, Alvarez. Especially if i don't have any reason to lie." natatawang sabi ni Hades at lumapit sa asawa niya.

"Ako rin, hindi ako tinuruan ni mommy magsinungaling hehe."
inosente namang saad ni Siera.

"Hoy wag kang maniwala sa kanila. Mamatay na maniwala sa mag asawang yan." tanggi parin ni Calix.

"I am willing to die, Calix Alvarez. Hindi mo naman agad sinabi sakin na dapat pala kitang ligawan, kakaiba ang trip mo sa buhay pero dahil ikaw si Calix Alvarez gagawin ko. Can i court you?" nakangiting ani ko.

Tangina napakabakla talaga ng lalaking 'to.

"Kaya mo ba akong ipagsibak ng kahoy at ipag-igib ng tubig?"

Napanganga ako dahil sa tanong niyang yun.

Tanginang kabaklaan talaga 'toooo. Jusko kupido duling ka ba at sa kanya mo ako naipares?

"Kahit ubusin ko ang lahat ng puno sa dark forest kakasibak at punuin ko ng tubig buong bahay niyo gagawin ko."

"Sige, tayo na."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That's My Wife!Where stories live. Discover now