Chapter 8

71 2 0
                                    

Chapter 8

Hades Pov.

'Oh di kaya palayain mo siya. Magiging masaya siya kung wala na ang taong dahilan ng kalungkutan niya. It's either date her or let go her. You choose, Montreal'

Nagpabalik balik sakin ang sinabi ni Calix kanina. Umaga na pero hindi parin ako nakakatulog, bakit ko ba pinasok ang gulong 'to?

Isang kalokohan na yayain ko si Siera magdate, kaya bakit ko gagawin yun?

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at naligo. Simpleng puting longsleeve lang at itim na pants ang suot ko. Wala akong trabaho ngayon kaya mananatili ako dito sa bahay buong maghapon.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Siera at Calix na nagtatawanan. Tumikhim ako para agawin ang atensiyon nilang dalawa.

"Good morning, Hades." nakangiting bati sakin ni Siera pero tiningnan ko lang siya at saka umupo sa pang isahang sofa.

"Coffee boss." usal ni Calix at inabot sakin ang isang tasang kape. Tumigsim muna ako at nagbasa ng diyaryo.

"Masarap ba ang kape boss?" nakangiting tanong ni Calix kaya agad akong tumango at tumigsim ulit.

"Si Siera ang nagtimpla niyan."

Nabuga ko ang kapeng tinigsim ko at masamang tiningnan si Calix.

Bwesit ka Alvarez.

"Masyadong matamis." usal ko.

"Ganyan siya ka sweet boss." sagot naman ni Calix.

"Masyadong mapait."

"Ganyan kapait ang nararamdaman niya sa tuwing tinatanggihan mo ang niluluto niya."

"Shut the fuck up, Alvarez."

"Wag nga kayong magbangayan diyan, baka magkamabutihan kayo niyan hehe." turan ni Siera at humagikhik.

Magkamabutihan? What the fuck?

"Ah boss lalabas pala kami ni Siera ngayon."

"Saan kayo pupunta?" kaswal na tanong ko.

"Date." sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Friendly date hehe." bawi niya sa sinabi niya at pilit na tumawa.

"Pupunta raw kami ni Calix sa arcades, gusto mong sumama?" nakangiti namang tanong sakin ni Siera.

"I'm not interested. Kayo nalang." sagot ko at saka iniwan silang dalawa.

What do you think you're doing, Calix Alvarez?

That's my wife!

That's My Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon