Chapter 25

50 0 0
                                    

Chapter 25

Siera Pov.

"Kung ganon bakit hindi mo ako subukan? Suntukan tayo." kaswal na sabi ko at tiningnan si Criza ng seryoso.

"Suntukan lang ba ang kaya mo Siera?" nakangisi nitong tanong sakin.

Gusto kong bumusangot pero hindi ko ginawa dahil pagagalitan ako ni mommy mamaya. Pinagbabawal nilang magpakita ako ng kahit anong ekspresyon sa lahat ng tao dito.

Huhuhu mommy di ko kaya 'to.

"Kaya ko ring humawak ng baril at iputok yun sa ulo mo."

AHEHEHEHE napanood ko lang sa pelikula yan.

"Listen everyone, this girl is a stvpid. Sa tingin ko hindi niya kayang pamunuan ang organisayon natin dahil sa katangahan niya. Isip bata at bobo." sigaw niya para marinig siya ng lahat.

Agad nag init ang ulo ko dahil sa sinabi niyang yun. Ang nag iisang batas ng mga Fereyra ay hindi dapat kami tumanggap ng insulto sa mga taong mas kainsu-insulto.

Agad kong dinampot ang steak knife na nakapatong sa table at sinadya kong daplisan ang kanang bahagi ng leeg niya.

"Huwag mo akong iinsultuhin, Crizanta. Katangahan ko palang ang alam mo pero hindi mo alam kung paano ako magseryoso. Baka kilabutan ka." nakangising sabi ko at pinatong ulit ang steak knife sa table.

Dinampot niya ang steak knife na pinatong ko sa mesa at akmang susugurin ako pero agad na bumunot ng baril ang lahat ng myembro ng Orion Clan pati narin si Hades saka tinutok yun sa kanya kaya agad siyang napatigil.

Lumapit naman si Samantha kay Crizanta at kinuha sa kamay niya ang steak knife saka sinampal niya ng dalawang beses sa mukha si Criza.

"Para yan sa pang iinsulto mo sa kaibigan ko."

Yieee love love mo talaga ako Sam hihihi.

Lumapit si Calix kay Sam at iginaya niya ito pabalik sa pwesto nila kanina.

"Wag mo kong piliting patayin ka." galit na sabi ni Hades at binaba ang hawak niyang baril na nakatutok kay Crizanta.

"H-hades. Comeback to me babe, please. Hades hindi ko kaya na mawala ka sakin." naiiyak na pagmamakaawa ni Criza.

"Crizanta, what are you doing?" galit na tanong ng daddy ni Criza.

"Dad! Mahal ko si Hades. Gagawin ko ang lahat para bumalik siya sakin." angil Crizanta at lumapit kay Hades.

Hinawakan niya sa kamay si Hades habang patuloy parin sa pagtulo ang mga luha niya.

"Please Hades, please babe comeback to me." pagmamakaawa niya pero tinabig lang ni Hades ang kamay niya at masama itong tiningnan.

Nakakaiyak naman 'to parang nanonood ako ng korean drama huhuhu.

Tumayo siya at humarap sakin.

"Tandaan mo 'to Siera, babawiin ko ang dapat na sa akin." nanggigigil na sabi niya.

"May shortage ba talaga ng mga lalaki ngayon? At kailangan mo pa talaga mang agaw para magkaroon? Itatak mo 'to sa kukuti mo Crizanta, layuan mo ang asawa ko. Tagalog yan para maintindihan mo."

That's My Wife!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora