Chapter 17

64 3 0
                                    

Chapter 17

Hades Pov.

Agad kong dinala si Criza sa kwarto niya pagkatapos ng engkwentro nila ni Siera kanina. Hindi ko alam pero napansin ko ang pagbabago ni Siera nong nagkasagutan sila ni Criza.

"Subukan mong sundan ang babaeng yun Hades at hindi ako magdadalawang isip na sirain ang Montreal Clan sa organisasyon." banta sakin ni Criza na akmang lalabas na ako sa kwarto niya.

"Sinong tinakot mo?" walang emosyon kong tanong sa kaniya.

"Hindi ba't yun ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ako parin ang pinipili mo?" nakangisi nitong tanong sakin.

"Hindi, hindi yun ang dahilan Criza. Masyado kitang minahal nong mga panahong ginagamit mo pa ako at araw araw parin kitang mahal kahit limang taon kang nawala sa tabi ko. Akala ko ikaw parin pero mali ako dahil simula ngayon hindi na ikaw ang pinipili ko."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Na si Siera na ang mahal ko at hindi na ikaw."

"Nagbibiro ka lang hindi ba? Ako parin ang mahal mo Hades."

"Akala ko nga ikaw parin."

"Kung ganon bakit hindi mo ako iniwan kanina?"

"Don't misinterpret it, Criza. Hindi kita iniwan dahil alam kong malakas ang pagkakasapak ng asawa ko sayo. Minahal din kita kaya siguro yung ginawa kong pananatili kanina imbis na sundan ang asawa ko ay awa nalang yun."

Agad siyang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Don't leave me, Hades. Hinintay kita ng limang taon."

"Hinintay? Ako ang naghintay sayo, because in the first place you're the one who left."

Kinalas ko ang pagkakayakap niya sakin at agad na lumabas sa kwarto niya. Naririnig ko ang pagtawag niya ng pangalan ko pero hindi ko siya nilingon, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa baba.

"Nasaan na si Siera?" agad na tanong ko kay Calix.

"Umuwi na siya." tipid nitong tugon.

"Umuwi narin tayo sa bahay."

"Wala siya roon."

"Ano? Ang sabi mo umuwi na si Siera."

"Umuwi nga siya, sa bahay nila."

"Puntahan natin siya sa bahay nila, Alvarez."

"Bigyan mo muna siya ng panahon, Hades. Masakit para kay Siera yung nangyari ngayon."

"I can't afford to lost her, Calix. Tama ka, kakainin ko nga talaga lahat ng sinabi ko noon."

"Ayos lang yan bro, hindi pa naman huli ang lahat. Nasaktan si Siera ngayon ng dahil sayo kaya ikaw rin mismo ang aalis ng sakit na nararamdaman niya."

Nahilamos ko ang dalawang palad ko dahil sa frustration na nararamdaman ko.

"Wag ka na umiyak, kiss na lang kita." usal ni Calix at saka ngumuso habang papalapit sakin.

"Subukan mong ilapat sakin yang labi mo Alvarez at papatayin kita."

"King'na mo choosy ka pa, ikaw na nga 'tong kinocomflirt."

"Tulong ang kailangan ko hindi ang comflirt mo Calix."

"Wag ka na mag isip ng kung ano ano riyan, babalik sayo ang misis mo. Babalik si Siera, maniwala ka Montreal."

Hindi na ako nagsalita at niyaya nalang siyang umuwi. Tulad ng inaasahan ko pagdating sa bahay ay wala si Siera. Pumunta ako sa kwarto niya at tiningnan ang cabinet niya—wala na itong laman.

Lalabas na sana ako ng kwarto niya ng may nakita akong papel na nakapatong sa kama niya. Agad ko itong nilapitan at binuksan.

Dear Hades/Love,

       Huwag mo muna akong hanapin dahil hindi mo naman ako mahahanap. Nandito ako ngayon sa bahay ng parents ko sa Scared Village. Kung nagbabalak kang hanapin ako ay mahihirapan ka lang kaya hintayin mo nalang akong bumalik diyan.

Truly yours,
Siera/Love

"Paano ako mahihirapang hanapin ka? Eh sinabi mo na kung nasaan ka." natatawang bulalas ko at tuluyan na lumabas ng kwarto niya.

That's My Wife!Where stories live. Discover now