Chapter 6

71 4 1
                                    

Chapter 6

Hades Pov.

Naalimpungatan ako dahil sa malakas na katok mula sa pintuan ng kwarto ko.

"Boss gising na." rinig kong boses ni Calix sa labas.

"Damn you Alvarez. Sino ba ang nagbigay ng permiso sayo na gisingin ako?" singhal ko habang nakadapa parin sa kama.

"Yung asawa mo boss. M-may nangyari sa kaniya."

Awtomatikong napabangon ako sa pagkakahiga at nagsuot ng damit saka ko binuksan ang pintuan.

"What happened to her?" kaswal lang na tanong ko para hindi halatang nag aalala ako.

"Nagkanda sugat sugat ang kamay niya kasi pinagluto ka niya." malamyang sagot ni Calix saka ako tinalikuran at napauna ng bumaba.

Sino ba nagsabi sa babaeng yun na magluto?

Mabilis ang ginawa kong paglakad hanggang sa makababa na ako. Agad na hinahanap ng mata ko si Siera sa sala pero wala siya ron kaya agad akong dumeritso sa kusina.

"Anong ginagawa mo?"

"Ay baklang unggoy." naiusal niya dahil sa pagkagulat.

Agad siyang pumihit paharap sakin kaya kitang kita ko ang kamay niya na puno ng band aid.

"Anong ginagawa mo?" pag uulit ko ng tanong.

"P-pinagluto kita, gusto kong magsorry sa ginawa ko kanina hehe."

"Hindi na kailangan. Wag ka ng magluto pa ulit hinding hindi ko kakainin ang luto mo."

Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha niya kaya agad akong tumalikod. Maglalakad na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Kahit hindi mo kainin ipagluluto parin kita hehe."

"Nag aaksaya ka lang ng pagkain kaya wag ka ng mag abala pa." singhal ko sa kaniya kaya agad siyang napalunok at yumuko.

"Wag ka na malungkot Siera, kung ayaw ni Hades kumain ng niluto mo edi ako ang kakain basta sabayan mo ako." nakangiting turan ni Calix kay Siera kaya agad ko siyang pinagkunotan ng noo.

"Talaga Calix? Gagawin mo yun? Sana ikaw nalang ang asawa ko hehe."

Tss, hindi kayo bagay.

"Ang cute cute mo talaga Siera." bulalas naman ni Calix at pinisil pa ang pisngi ni Siera.

"Alvarez, wala ka sa lugar mo para makipagharutan sa asawa ko."

"Bakit? Nagseselos ka ba Montreal?" nakangisi nitong tanong.

"I am just territorial, Alvarez. Kung gusto mong makipaglandian huwag dito sa bahay ko."

"Siera, gusto mo bang pumunta sa bahay ko?" nakangiting tanong niya kay Siera kaya agad kong hinawakan ng mahigpit ang silya para pigilan ang inis ko.

"Damn you, Alvarez. That's my wife!"

That's My Wife!Where stories live. Discover now