Chapter 3

160 7 4
                                    

Chapter 3

Siera Pov.

"Bakit ka ba pumayag na magpakasal sa Hades na yun, Siera? Ang tanga tanga mo talaga." naiiyak na sabi ni Sam kaya umiyak din ako.

"Para isuli niya na si Kelly at para hindi niya ako isusumbong kay mommy huhuhu. Kasalanan mo 'to Sam eh."

"Gaga ka sinisi mo pa ako. Dalhin mo na lahat ng gamit mo, wag ka magtira kahit panty diyan sa cabinet ko."

Tinulungan niya akong mag impake ng gamit ko. Tatlong maleta ang lahat ng gamit ko kaya tinulungan niya akong ibaba ang lahat ng yon.

"Hoy bes." tawag niya sakin bago pa ako makapasok sa loob ng kotseng pinadala ni Hades para sunduin ako.

"Huwag mo silang hahayaan na tawagin kang tanga ha?"

"Bakit ikaw pwede?"

"Kasi kaibigan mo ako sila hindi. Kapag sinabihan ka nilang tanga anong sasabihin mo?"

"Are you talking to yourself, bitch?" mataray na sabi ko.

Palagi naming pinapractice ni Samantha ang linya na yan.

"Yan taray, pak na pak. Kapag naman sumagot anong gagawin mo?"

Agad akong ngumisi at sinapak siya sa mukha.

"Aray gaga ka huhu. Tanga tanga mo talaga Siera bakit moko sinapak?" naiiyak na tanong niya habang hawak ang mukha niyang tinamaan ng kamao ko.

"Sabi mo anong gagawin ko kapag sumagot sila sakin. Eh diba sasapakin ko sila bes?"

"Oo sasapakin mo sila pero hindi ko sinabing sapakin mo ako. Kaimbyerna ka, sumakay ka na diyan at huwag ka ng babalik dito." singhal niya kaya dali dali akong sumakay sa loob ng kotse.

Huhu sabi niya kasi anong gagawin ko eh.

Fast forward....

Nandito na ako sa bahay ni Hades. Ang driver na ang nagbaba ng gamit ko at may sumundo naman sakin sa labas ng gate.

"Wow you look lovely, Mrs. Siera Montreal." anang ng lalaking sumundo sakin.

"Bakit ang daming tao? Birthday mo ba?" takang tanong ko sa kaniya at agad naman siyang tumawa.

"This is a celebration. Inimbitahan ni Hades ang lahat ng kasyuso niya sa negosyo para idiwang ang pagdating ng asawa niya."

"Ha? May asawa na siya? Bakit kailangan pa naming magpakasal?"

"Ikaw ang asawa niya Siera. Simula ngayon mag asawa na kayo."

"Pero hindi pa kami kasal."

"Pumirma kana sa marriage contract niyo kaya kahit hindi pa kayo kinasal, mag asawa na kayo. By the way I am Calix Alvarez." ngumiti ito sakin kaya agad rin akong ngumiti sa kaniya.

Hala? Marriage contract pala yun? Akala ko titulo ng lupa huhuhu.

"Be formal. Huwag mong ipahiya ang asawa mong si Hades." natatawang bulong niya sakin bago pa kami nakapasok sa loob ng bahay.

Lumapit naman si Hades sa gawi ko at hinalikan ako sa labi.

Nagulat ako dahil sa ginawa niya kaya agad ko siyang sinampal ng napakalakas.

"Patay ka, Siera." sabi ni Calix sa tabi ko.

Wahhh mommy yung first kiss huhu

That's My Wife!Where stories live. Discover now