Chapter 2

174 9 2
                                    

Chapter 2

Hades Pov.

"Sa dinami dami ng babae bakit yun pa ang napili mong pakasalan, Montreal?" natatawang anang ng kaibigan ko pagkauwi namin sa bahay.

"Shut up Calix, kasal lang kami sa papel. Still si Criza parin ang babaeng mahal ko." nanunuway na sabi ko sa kaniya.

"Eh bakit siya nga ang napili mo?" tanong niya ulit.

Tsk, makulit ang isang 'to.

"Dahil tanga siya at alam mong kahit kailan hinding hindi ako magmamahal ng isang tanga, Calix Alvarez."

"I am not convinced to your statement, Montreal."

"Why?"

"Because she had the looks, maganda siya at sexy. Kung hindi lang siya hahayaang magsalita siguradong maraming mag aakalang artista siya."

"Maganda at sexy lang naman ang tipo mo gago. Para sa akin importante ang utak. Asikasuhin mo na yung marriage paper namin."

"Sigurado kana ba?"

Tiningnan ko siya ng masama, "Gusto mo bang death certificate mo ang una mong asikasuhin, Alvarez?"

"Sinasabi ko sayo Hades kakainin mo lahat ng sinabi mo ngayon." natatawang sambit niya bago ako layasan.

Flashback....

"Bakit gusto mo akong makausap, mister?" tanong ng babaeng humawak sa ibon ko.

"I want you to marry me." diretsong sagot ko sa kaniya.

"Ha? Sabi ni mommy para lang sa mga nagmamahalan yung pagpapakasal."

"You touched my birdie, kaya pakasalan mo ako." inis na sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Huhuhu hindi ko naman sinasadyang hawakan ang tutut mo eh huhu."

"Kung ayaw mo akong pakasalan mabubulok ka sa kulungan at sasabihin ko sa mommy mo na minolestya mo ako." pananakot ko sa kaniya.

"Po? Eh hindi ko nga po sinasadya mister. Atsaka hindi ka naman namin pinagnakawan huhu."

"Trespassing ang ginawa niyo."

"Pero nagpaalam naman ako sa gate niyo."

"Papakasalan mo ako o mabubulok ka sa kulungan? You choose."

"Kapag pinakasalan kita hindi mo ba ako isusumbong kay mommy?" nakangusong tanong niya.

"Hindi."

"Sige papakasalan kita pero sa isang kondisyon."

Kumunot ang noo ko. Ang lakas ng loob niyang magbigay ng kondisyon.

"What is it?"

"Isuli mo na kapatid ni Sam. Bakit ba nasa bahay niyo siya? Lagot ka sa mommy nila kapag nalaman niyang nangingidnap ka ng batang babae, mister."

What the? Mukha ba akong kidnapper?

"I didn't kidnapped her. Nagtatrabaho siya sa bahay ko."

"Hala? Ginawa mo siyang kasambahay?" nanlalaking matang tanong niya.

Tangina?

"Papakasalan mo ba ako o hindi?" inis na tanong ko.

"Papakasalan na kita mister hehe. Highblood ka masyado baka machugi ka niyan."

End of the flashback.

That's My Wife!Where stories live. Discover now