Chapter 29

56 1 0
                                    

Chapter 29

Mary Angeles Pov.

Kasulukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa parking lot ng may namataan akong isang pamilyar na babaeng naglalakad. Agad akong napatigil ng makita kong sinusundan ito ng tatlong lalaki.

Napalaki ang mata ko ng makita ko ang pagdukot ng isa ng patalim mula sa likuran niya at akmang dadambahan ng saksak ang babaeng naglalakad. Mabilis akong tumakbo papunta sa gawi nila at pinigilan ang lalaki na yun sa binabalak niya.

Mula sa likuran ay hinawakan ng kanang kamay ko ang braso niya at sinakal naman ng kaliwang braso ko leeg niya.

"Papatayin ka nila Siera." sigaw ko sa babae pero wala man lang akong nakitang pagkagulat sa mukha niya.

Sinipa ko ang isang lalaki na susugod sakin at marahas na binitiwan ang lalaking sakal sakal ko kanina. Napatingin naman ako kay Siera ng sugudin ito ng isang lalaki at inambahan ng saksak pero agad niya lang itong iniwasan. Hinawakan niya sa braso ang lalaking yung at siniko ng tatlong beses sa mukha.

Hinigit ko naman sa buhok ang isang lalaking susugod pa sana sa kaniya at inuntog ang ulo nito ng limang beses sa isang kotse na nakaparada dito sa parking lot. Walang malay na ito nong binitawan ko.

Gulat akong napatingin kay Siera ng makita kong nakabulagta narin ang dalawa pang lalaki.

"Sino ka?" kaswal na tanong niya sakin.

"Mary Angeles, kababata ni Hades. Ikaw ang asawa niya diba?" nakangiting tugon ko.

"Oo, salamat hehe." usal niya at lumuhod sa paanan ng lalaki at inangat nito ang damit na tila ba may hinahanap ito sa katawan ng lalaking pinatulog niya.

"Nakita ko na ang marka na'to nong pinasabog namin ang isang shipment." bulalas niya at tinuro ang Scorpion tattoo sa dibdib ng lalaki.

"Balita ko kay Mr. Smith ang shipment na yon?"

"Hindi ako kumbisido ron. Sa tingin ko ibang organisasyon ang may ari ng shipment na yun."

Napatitig ako sa kaniya pagkatapos niyang sabihin yun.

"May alam ka ba sa tattoo na 'to?" baling niya sakin.

"Wala." tipid na tugon ko.

"Bakit wala?"

"Hindi ko alam."

"Bakit hindi mo alam?".

"Ewan ko?"

"Bakit ewan mo?"

"Hindi ko nga kasi alam kung saang organisasyon napapabilang ang ganyang marka." inis na sabi ko.

"Eh bakit nagagalit ka?" nakanguso niyang tanong sakin.

Seryoso ba 'to? Kanina lang parang action star kung makipaglaban ngayon naman parang isip bata.

"Hindi ako galit, pinapatindi ko lang sayo na wala talaga akong alam." tugon ko at bumuntong hininga.

"Hindi ka galit?" paniniguro niya, agad naman akong umiling at ngumiti sa kaniya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang tauhan ng Montreal Clan para kunin ang tatlong lalaki na 'to. Pwede pa namin 'tong pigain hanggang sa umamin.

"Dalhin niyo sila sa TR." utos ko sa tauhan.

Tumango lang sila sakin at tinali ang mga kamay ng tatlong lalaki na yun at pinasok sa loob ng Van.

"May dala ka bang sasakyan?" baling ko kay Siera pagkaalis ng mga tauhan ng Montreal Clan.

"Wala, nagcommute lang ako." nakangusong tugon niya.

That's My Wife!Where stories live. Discover now