Chapter 26

107 1 0
                                    

Chapter 26

Calix Pov.

Dalawang araw na simula nong ianunsiyo si Siera bilang heiress ng Black Orion. Puno ng tensiyon ang gabing yun dahil sa nangyaring sagupaan sa pagitan ni Siera at Crizanta pero ang ikinagulat ko ay ang pagtutok ni Hades ng baril kay Criza.

"Hoy nakikinig ka ba?"

Bumalik ako sa wisyo dahil sa pagsigaw ni Samantha sa harap ko.

"Oo naman." pagsisinungaling ko.

"Kung nakikinig ka anong sinabi ko?"

"Hoy nakikinig ka ba?" pag uulit ko sa sinabi niya kanina.

"Tangina, sa dami ng sinabi ko yan lang ang narinig mo." ubos pasensiya niyang sabi at tiningnan ako ng masama.

Yan lang naman talaga ang narinig ko sa mga sinabi niya. Alangan namang magsinungaling pa ako?

Hindi na siya nagsalita hanggang sa dumating si Hades. Umupo siya sa bakanteng upuan at nagsalin ng alak sa basong nasa harap niya.

"Sa linggo na ang dating ng shipment." panimula niya at tumigsim ng alak.

"Kailangan nating pasabugin ang barko na iyon bago pa ito makarating sa daungan." dagdag niya pa.

"Alas otso darating ang shipment." turan naman ni Kelly na kakarating lang.

"Hoy babaita bakit ka nandito?" singhal ni Samantha kay Kelly.

"Ate ito yung trabaho ko. Nong gabing pinasok niyo ang bahay ni Hades ay tinatrabaho ko ang tungkol dito. Ako ang nag aalam ng oras sa bawat pag alis at pagdating ng mga shipment at kung saan ito nanggaling o dadating." paliwanag naman ni Kelly.

"Naku Kelly, may mabuting kinalabasan naman ang pagsunod ng loka loka mong ate sa gps mo. Natagpuan ni Hades ang forever niya." natatawang saad ko at pinagkrus ang dalawang braso ko.

"Sinong loka loka?" kunot noong baling sakin ni Samantha.

"Syempre ikaw, sino ba ang ate niya?" tugon ko at tinuro si Kelly.

"Ikaw naman siraulo."

"Baliw. Baliw. Baliw."

"Buang. Abnormal. Mongoloid."

"Bipolar. Sadista. Maton."

"Ano ba? Mag aaway nalang ba kayo? Para kayong aso't pusa na hindi mapagsama sa iisang lungga." asik ni Hades sa aming dalawa ni Samantha.

Tumahimik kaming dalawa ni Sam at nagkatinginan ng masama. Bumuntong hininga naman si Kelly at umupo.

"Tulad ng sabi ko kanina alas otso ang dating ng shipment sa North Harbor Pier 4 mula sa China. Hindi kabilang ang shipment na yun sa organisasyon natin, sa tingin ko may mga bagong organisasyon ang pumupuslit ng illegal na mga armas mula sa ibang bansa." mahabang lintaya ni Kelly.

"Anong pangalan ng barko?" agad na tanong ni Hades.

"SC-370, sinearch ko ang pangalan ng barkong yan pero walang lumabas. Kahit ang barko ay illegal." tugon ni Kelly.

"Kilala mo ba kung sino ang nagmamay ari ng shipment na yun?" agad naman na tanong ko.

"Hindi ako sigurado kung siya nga ang may ari ng shipment pero sigurado akong siya ang nag aasikaso non."

"Sino?" interesadong tanong ko.

"Si Mr. Smith."

"Hayop, siguro siya rin ang may ari ng barko. SC, initial ng Smith Clan. Hindi talaga marunong makuntento ang matandang yun bilang ikaanim na rango ng organisasyon." bulalas ko at ngumisi.

"Calix maghanda ka para sa dadating na linggo. Pasasabugin natin ang shipment na yun hanggat hindi pa nakakarating sa dadaungan niya at ihanda mo rin ang abuloy para sa pamilya ni Mr. Smith, magluluksa sila."

"Copy that boss."

That's My Wife!Where stories live. Discover now